Monday , December 23 2024

Pagligo ni Enrique at paghawak ng sword favorite scenes ni Liza Soberano

READ: Vhen Bautista a.k.a. Chino Romero may karapatan sa parangal na “Pinoy Smule King 2018”

ANG saya ng recent thanksgiving finale presscon ng Bagani, na magwawakas na consistent pa rin sa mataas nilang ratings ngayong 17 Agosto (Biyernes) na ang timeslot ay papalitan ng “Ngayon at Kailanman” ng JoshLia love team nina Julia Barretto at Joshua Garcia na eere ngayong August 20.

Hirit ni Liza nang tanungin siya kung ano ang most favorite scene niya sa Bagani? “‘Yung paliligo raw ng love team na si Enrique Gil kasi ang ganda raw talaga ng set-up na kanyang ikinamangha at ikinahanga dahil puwede raw palang gumawa ng ganito kagandang set ang Pinoy fantaserye.

Isa pa sa paborito ni Liza ay ‘yung paghawak niya ng sword at ‘yung laban nila ni Lakas (Gil). Pareho namang masaya ang magandang aktres at si Quen dahil nakasama nila sa Bagani, ang isa sa  pinakamaymagandang mukha sa showbiz na si Kristine Hermosa at puring-puri nila ang pagiging generous nito sa pag-alalay sa kanilang mga eksena.

“Ang feeling dahil Kristine Hermosa ay manlalamon siya ng eksena, hindi pala dahil napaka-supportive niya,” sey ni Liza.

Tinawag naman ni Enrique na “Sweetheart” si Kristine at very thankful sila at napapayag raw ng executive ng Star Creatives na gumanap siya ng contravida, na dati ay mabait ang character bilang si Malaya.

Naaliw naman ang entertainment press at bloggers nang kantahin ni Dimples Roman ang viral nitong punchline sa Bagani na “Mekeni Mekeni Tugtog Doremi.”

Nagisa si Matteo Guidicelli ni Dimples dahil sa madalas na pag-backle o bulol nito sa kanilang mga eksena na minsan ay inaabutan na sila nang malakas na ulan pero cool lang si Matteo at aminadong hirap talaga siya sa mga tagalog dialogues lalo na sa malalalim na salita.

Happy namang pareho sina Zaijan Jaranilla at Makisig Morales at naging parte sila ng Bagani at masaya nilang nakatrabaho ang malalaking kapwa nilang Kapamilya stars.

Samantala, bagama’t nagkakaisa na ang buong Sansinukob laban kay Malaya (Hermosa), ang siyang nagtanim ng halimaw kay Ganda, nananalaytay pa rin ang takot at pangamba nila para sa kanilang kaligtasan bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.

Magiging mabigat ang problemang ito para sa lahat dahil kapag lumala na ang sitwasyon, kailangan nilang mamili sa pagitan ng buhay ni Ganda at ng buong Sansinukob.

Kaya kayang isakripisyo nina Lakas, Lakam (Guidicelli), Dumakulem (Morales), at Liksi (Jaranilla) ang buhay ng kapwa nila Bagani para sa ikabubuti ng Sansinukob? Mahanap pa kaya nina Lakas at Ganda ang lunas bago maging huli ang lahat?

Mula pagsisimula hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos, sinubaybayan ng mga manonood ang

“Bagani” sa primetime at nagkamit ng all-time high national TV rating na 36.2% noong 17 Abril, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi lang sa ratings nananalo ang Bagani, dahil gabi-gabi rin itong pinag-uusapan at nagte-trend ang mga opisyal na hashtag ng episode sa Twitter. Ito rin ang ikalawang pinakapinag-uusapang teleserye sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018, ayon sa Twitter Entertainment Index, ang listahan ng mga pinakapinag-uusapang paksa sa naturang social networking site.

Mayroon din online na bersiyon ang Sansinukob sa Bagani World, na may tsansang maging mga bayani ang mga maglalaro. Isasara na ito pagkatapos ng programa ngunit maaaring balikan ang mga kuwentong Sansinukob sa “Bagani: Beyond Sansinukob” ng NoInk, ang online reading platform ng ABS-CBN.

Tumutok sa huling linggo ng “Bagani” para malaman kung ano ang kahihinatnan ng Sansinukob at ng mga bayani nito. Panoorin gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *