READ: Bangkay inanod sa Marikina
READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC
READ: P120-M ayuda sa sinalanta ng baha
NALUNOD ang dalawang matanda sa matinding pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng habagat sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Borlongan Mendoza, 61, biyuda, nakatira sa 104 Capitol Hills, Old Balara, Quezon City, at Gregorio Quilaton, 55, mekaniko ng EEI Corporation, at residente sa Kapayapaan Village, Karangalan, Pasig City.
Ayon sa imbestigas-yon ni PO1 Morshid Tanog ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuan ni Feliciano Tavero ang bangkay ng matandang babae dakong 3:45 pm sa PV Kalaw, Tierra Pura Homes sa Brgy. Culiat, Quezon City sa tabi ng isang metal pipe, habang nakalubog sa baha.
Ang biktima ay may malaking sugat sa noo at mga sugat sa katawan. Hinihinalang napatid sa tubo na nakalubog sa baha ang matanda.
Ayon report, dakong 3:00 pm habang kasagsagan ng malakas na ulan sa Brgy. Old Balara ay nakitang tumatawid sa Sapang Kangkong si Mendoza.
Samantala, natagpuan ni Jhonel de Juan ang bangkay ni Quilaton na inaanod sa baha sa kanto ng Sto. Domingo Avenue at Samat St., Brgy. Sto. Domingo dakong 2:30 am kahapon. (ALMAR DANGUILAN)