Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keanna, inasunto ng cyber libel ng Comikera Food Park owner na si Nancy Dimaranan

READ: BeauteFinds by BeauteDerm, dinagsa ang Grand Opening

SINAMPAHAN na ng kasong cyberlibel ang sexy actress na si Keanna Reeves. Ang nagre­klamo ay si Nancy Dimaranan, may-ari ng Comikera Comedy Food Park. Kasama ang mga abogado niyang sina Atty. Ronalin B. Alonzo at Samuel Adams C. Samuela, isinampa ang reklamo sa Calamba, Laguna at dala ni Nancy ang certification mula sa PNP Anti-Cyber Crime Group.

Ayon kay Nancy, matapos mag-perform ni Keanna sa kanyang bar, nakita ng staff niya na naka FB live ang aktres at pinagmumumura siya. “Madaling araw, 3:45, sabi ng staff ko si Keanna nag-live video at pinagmumura ako. Nagulat ang lahat lasing na lasing at nagpapaudyok sa mga baklang kasama niya. Bukod pa roon, sabi niya, ‘Ibuking kita sa asawa mo na bakla ka!’” Esplika ni Nancy.

“Kagagaling ko sa paleng­ke, around 2:30 am, ibinigay na TF nina Keanna at Tuod, siyem­pre tulad sa ibang artists ay may food and drinks compliments na ibinigay sa kanila. Humingi pa siya sa akin ng pang-grab na P1,500 kahit ‘di kasama sa usapan, sa pakiki­sama ko sa kanila. Pinipilit niya ako na ihatid daw sila sa Quezon City or kahit Alabang, pero pagod na ako, wala naman akong driver e.

“Tapos sabi niya walang Grab sa Biñan. May Grab po sa Biñan ‘wag niya sabihin na liblib na province ito, kasi po city ang Biñan. Pangalawa, nabigyan na sila ng pang Grab, it will be unfair kung ihahatid ko sila. May Grab po sa Biñan, ‘di lang sila naghintay kasi po naulan noon, pero may mga customer kami na pini-pick up sila ng Grab,” saad ni Nancy.

May voucher na pinirmana­han si Keanna na halagang P9,500 na nagpapatunay na binigyan niya ito ng pang-Grab, bukod pa sa TF nila ni Tuod. Ang manager ng bar na si Rodante Carlos Buton ang nag-abot sa kanila ng pera.

Patuloy na kuwento ni Nancy, “May mga death threat din siya sa akin na papatayin niya ako… hindi secret na eight years kami together ng partner ko, isa siyang Biritish lawyer na si Nick Carnel at alam niya na-transgender ako. “Kaya nang sabihin ni Keanna na trans ako, ‘yung mga classmates, parents and teacher sa school ng mga anak ko ay nagulat at till now, binu-bully sila na bakla mommy nila. Hanggang pati ang bunso ko ay stress na ngayon at ayaw pumasok sa school.

“Hindi na maibabalik ang sinira niyang buhay kong maa­yos at tahimik. Gusto ko’y mag-public apology siya at batas na ang maghusga ayon sa kanyang pagkakamali. Hindi ko kailangan ang pera niya, kung may pera na ibabayad siya, i-donate ko iyon sa orphanage, Home for the Golden Gays at Home for the Aged.”

Nagpasalamat din si Nancy sa isang LGBT group na sumuporta sa kanya. “I’m very much thankful sa LGBT support na, no to discriminations dahil ‘di nila alam ang tinatahak naming buhay na mga trans para maka­buo ng maayos na pamilya,” dagdag ni Nancy patungkol kina Paula Caceres at sa grupo niya na sumuporta sa kanya sa insidenteng ito. Si Caceres ay member ng HK Transgender Migrants Workers Organization.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …