KUNG si Sue Ramirez ang masusunod, gusto nitong ligawan na walang gamit na WiFi dahil doon niya makikita at mararamdaman ang effort ng nanliligaw sa kanya. Tulad ng pagpapadala ng love letter.
“Yung pupuntahan ka sa bahay at magkakaroon kayo ng oras na magkausap ng harapan.
“Doon pa lang ay makikilala mo na ‘yung totoong ugali ng manliligaw mo. Maganda ‘yun, may effort, ‘di tulad ngayon, puwedeng gawin sa Tweet, Instagram at iba panf social media,” pahayag nito.
Sa grand press conference ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi, official entry sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa Prime Hotel sa Quezon City noong Miyerkoles, August 8 ay inamin ng aktres na naransan nito ang tawagin siyang malandi dahil sa pagsuot ng two-piece sa kanyang pagsi-swimming na na-upload sa kanyang Instagram noong April.
Masaya siya dahil umani ito ng maraming ‘likes’ pero marami rin ang nagsabing malandi siya.
“I don’t really think it’s a big deal. I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao. It’s just [that] everybody has a body.
“Malandi raw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po,” hirit ni Sue.
Ginampanan ni Sue ang karakter ni Norma sa pelikula na talagang nakadepende sa WiFi sa araw-araw nitong pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa kasamaang palad ay nagkaroon siya ng allergy sa WiFi kaya kailangan nitong manirahan sa kanyang lola na ginampanan ni Boots Anson Roa na ang lugar ay hindi naaabot ng radio waves na nagpapalala ng kanyang karamdam.
‘Yan ang takbo ng kuwento, kung paano ipagpapatuloy ng bidang babae ang kanyang buhay ng walang WiFi.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu