Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Lotlot, ‘di itinago, ‘gulo’ sa pamilya nila

READ: Vance Larena, pinakamahusay na aktor sa Bakwit Boys

BINA-BASH na naman nila si Lotlot de Leon, dahil doon sa na-post na pictures nilang “magkakapatid” na nagkaroon ng reunion nang hindi kasama ang “kinikilalang nanay nilang si Nora Aunor”.

Mukhang lalo pa silang nagalit sa sagot ni Lotlot sa bashers nang sabihin niyang nirerespeto naman nila ang umampon sa kanila, kaya nga ipinakikita nila na hindi man sila tunay na magkakapatid ay ganoon pa rin ang turing nila sa isa’t isa.

Ang medyo matindi nga lang, inamin din ni Lotlot na may issues sa kanilang pamilya na pribado at hindi naman nila kailangang ipaliwanag sa iba.

Pero kung iisipin, malaki ang sakripisyo ni Lotlot. Siya ang umako ng lahat ng responsibilidad ni Nora sa mga inampon niyang bata lalo na noong panahong nasa Amerika si Nora, nagkaroon ng kaso at hindi nila alam kung kailan babalik. Si Lotlot lahat ang nagtaguyod sa kanyang mga “kapatid”.

Talagang kahit na may sarili na siyang pamilya, at may mga anak ding kailangang pangalagaan at suportahan, hindi niya pinabayaan ang mga “kapatid” niya. Kung iisipin mo nga naman, hindi ba masasabing ang kanyang ginawang iyon ay sobra-sobra pa para akusahan pa siya ngayon na nagkulang ng respeto sa umampon sa kanila dahil lamang sa hindi nila naisama iyon sa kanilang reunion?

Hindi ba dapat ding tanungin si Nora kung nagkaroon ba siya ng effort to reach out sa kanyang mga sinasabing mga anak, na kung iisipin mo katungkulan naman ng isang tumatayong magulang?

Hindi kami sa kani-kanino pero ilagay natin sa ayos ang lahat. Hindi naman ninyo alam ang issues, manahimik na lang kayo. Hindi iyong puro kayo comment nang hindi naman ninyo alam kung ano iyon.

Huwag kayong “mema.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …