HINDI rin pahuhuli ang beteranang aktres na si Boots Anson-Roa sa paggamit ng mga modern technology.
Kuwento ni Boots, nagpapalitan sila ng mga sweet messages ng kanyang hubby na si Atty King, 74, bago niya ito naging asawa.
Araw-araw silang nagte-text para kumustahin ang isa’t isa na ayon sa beterang aktres ay sobrang malaking tulong sa kanila
Kompara noon na talagang idinadaan sa antigong telepono at love letter ang ligawan. Malaking dusa noon dahil kailangang idaan mo sa post office ang love letter para makarating sa padadalhan at dusa talaga ang paghihintay lalo pa, kailangan mo agad ang sagot. Mahirap naman kung ipadadala pa ito sa telegrama.
In fairness, ang maganda rito, sobrang kasiyahan ang idudulot sa’yo kung nakatanggap ka ng sagot mula sa iyong mahal.
Malaki talaga ang nabago sa larangan ng pagliligawan sa tulong ng modern technology na nagamit nila sa kanyang hubby.
“Ang naging problema lang namin ay mabagal kaming pumindot he he he … Minsan, ginawan ako ng tula habang nakasakay siya sa kanyang kotse papunta sa aming tagpuan. Natapos niya ang kanyang tula sa harap ko,” pahayag pa ni Boots.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu