Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Leave of absence, public apology sa publiko

UMALMA ang isang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) laban sa mga ka-cheapan ni Assistant Secretary Mocha Uson dahil hindi na niya kayang sikmurain ang mga kahihiyan ibinibigay ng dating sex guru sa serbisyo-publiko.

“As far as I’m concerned, Ms. Uson’s actions since her ap­pointment have time and again proven to be in poor taste — a display of an utter lack of judgment and have maligned our profession as government communicators,” ayon sa Facebook post ni Philippine Information Agency (PIA) Director-general Harold Clavite.

Nanawagan si Clavite kay Uson na humingi ng public apology at magba­kasyon bunsod ng kon­tro­bersiyal na “pepe-dede ralismo” video niya dahil hindi lang insulto ito sa propesyon ng com­mu­nication at public infor­mation, kundi pang-aalipusta rin sa mga kababaihan at mga ina sa mga pamayanan.

“With this, I respect­fully urge Ms. Mocha Uson to take a leave of ab­sence to think and recon­figure all her strategies putting into consideration the code of conduct and ethical standards that all public officials should adhere to,” sabi ni Clavite.

“This is not only a seeming insult to our profession in commu­nication and public infor­mation but also degrading to the women and mo­thers in our commu­nities,” ani Clavite hinggil sa video.

Giit ni Clavite, ang paninindigan niya sa usapin ay bilang pagta­tanggol sa integridad at talino ng mga obrero sa gobyerno, volunteers at mga katuwang ng pa­mahalaan na karamiha’y mga kababaihan at mga ina na nagsusumikap upang maihatid ang wastong impormasyon at himukin ang masa na makipagtulungan sa kanila.

Matagal na panahon na aniyang pinalalampas lang ang mga kabu­las­tugang pinaggagawa ng mga opisyal kaya’t kaila­ngan papanagutin sila sa paulit-ulit na pagdungis sa pamahalaan.

“We have been sitting idly by for too long, and it is about time that some­one speaks up and hold erring officials account­able for repeatedly tarnishing the reputation of our government.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …