Monday , November 25 2024

Wala nang pang-dialysis, chemo at iba pa

KUNG matutuloy ang paglipat ng buong 30% na charity fund sa Philhealth, hindi na kailangang pumila pa ang mga pasyente sa mga tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kung hindi na mababago pa ang panukala ay ito na ang magiging kalakaran sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) na inaasahang magiging epektibo kapag lagdaan na ito ng Pangulong Duterte at maging batas sa buwan ng Oktubre.

Maganda ang hangarin ng UHC dahil pina­simpleng sistema na ang pagbibigay ng ayuda sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Swak din ang sistemang ito sa Malasakit program ng Pangulo.

Isa pa, may hiwalay pang panukala para sa Philippine Amusement and Gaming Authority (PAGA), na sa aking pagkakaalam ay tatanggalin na sa PCSO ang regulatory functions nito para sa gaming products o palaro gaya ng Lotto, Sweepstakes at Small Town Lottery (STL).

Ang mga napipintong pagbabago na ito ay malaki ang magiging epekto sa organisasyon at operasyon ng PCSO.

Una, ang paglipat ng buong 30% CF ng PCSO sa Philhealth ay antimano lulusaw na rin sa Charity Sector at Charity Assistance Department (CAD) na mayroong halos 200 empleyado na karamihan ay regular at ang iba naman ay confidential agents (CA) at consultants. Saan kaya sila ilalagay? Balita ko ay sa Department of Health (DOH) daw. Hindi naman pala sila mawawalan ng trabaho kung ganoon dahil may lilipatan sila. Siyempre, sorry na lang sa mga CA at consultants.

Ito ang matindi, sa kabuuang 30% ng CF ay nasa 60% ang nagagamit para sa flagship project ng PCSO na Individual Medical Assistance Program (IMAP), Endowment Fund (EF), Ambulance Donation Program, Calamity Fund, Institutional Partnership Programs, Hospital Equipment Upgrade Program, at iba pa. Mawawala lahat ito. Posible namang hindi kung pasok ang mga programang ito sa Philhealth. Kaso mukhang wala ito sa mandato ng naturang ahensiya. Ang natirang 40% ay mandatory contributions ng PCSO sa 28 iba’t ibang ahensiya gaya ng Commission on Higher Education (CHED), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Sports Commission (PSC), National Book Development Act, Boy Scouts of the Philippines (BSP)Philippine Crop Insurance Corp., at iba pa. Mukhang itutuloy pa rin ang mga kontribusyon na ito kahit kung tutuusin ay dispalinghado sa Republic Act 1169, o ang Charter ng PCSO.

Pangalawa, mawawalan na ng regulatory function ang PCSO sa mga palaro nito dahil nasa kamay ito ng PAGA. Ang gagawin na lamang ng PCSO ay magpalaro at ang 30% sa kikitain nito ay awtomatikong ire-remit sa Philhealth.

Ang matitira sa PCSO ay 15% na Operating Fund at ang 55% Prize Fund. Ergo, magpalaro para makapagpasulpot ng pondo ang gagawin ng PCSO.

Uulitin ko, wala nang gagawing charity services o serbisyong kawanggawa. Wala na tayong makikitang nakapilang mga pasyente o kaanak nila sa Lung Center of the Philippines (LCP) at alin mang tanggapan ng PCSO.

Sa mga Lotto outlets na lamang tayo makakikita ng pila.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *