Friday , September 13 2024

Alamin ang Anakalusugan

MAYROON itong isang grupo na nagbubuklod upang tahakin ang landas ng pagtulong sa kapwa Filipino lalo ang mga kapos-palad nating kababayan na nangangailangan. Lalo na ngayon na hindi lamang kawalan kundi hinagpis ang idinulot ng bagyong Ompong sa marami nating kababayan. Hindi pa tayo nakasisiguro na wala nang gaya ni Ompong na hahambalos at kung saang dako pa ng ating bansa.

Sa panimula, mayroon nang public group sa Facebook ang grupo na ang pangalan ay Anakalusugan Philippines, at pati na rin pala ang kanyang Facebook account na Anakalusugan. At pasunod na rin agad ang kanilang website.

Nakausap ko ang ilan sa mga opisyal ng grupong Anakalusugan at nakabibilib ang kanilang ginagawa. Nagsimula pala ito sa Sto. Tomas, Batangas na mayroon silang tinatawag na “Klinika ng Bayan.” Hindi lamang libreng konsulta at gamot ang kanilang ibinibigay kundi relief goods din gaya ng bigas at iba pang pagkain ang iniaayuda para makatulong kahit panan­dalian sa mga nasasalanta ng kalamidad.

Nabanggit ko rin lang ang bayan ng Sto. Tomas, ngayon pa lamang ay binabati ko na ang mga mamamayan ng naturang bayan dahil malamang sa susunod na buwan ay magiging siyudad na ang nasabing bayan, kauna-unahan sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Ibig kong sabihin, magkakaroon na ng plebesito sa nasa­bing bayan para maging siyudad at malamang panalo na ‘yan.

Ang maganda sa ginagawa ng grupong Anakalusugan, kasama ang makabuluhang paghahatid ng impomasyon at edukasyon sa mga isyung bumabalangkas sa kalusugan ng tao at lipunan. Partikular, bilang simulain, ang kapakanan at kalusugan ng mga kobrador at kabo ng mga tinatawag na korporasyon ng Small Town Lottery (STL).

Kung matuloy ang binabalak ng Anaka­lusugan na maghatid ng bigas, medisina at iba pang puwedeng iayuda sa mga nasalantang ma­ma­mayan sa Cagayan ay magandang simulain ito ng grupo. Sa aking narinig, target ng grupo na puntahan ang mga bayan ng Sta. Teresita, Gonzaga at Cagayan upang maghatid ng tulong sa mga mamamayan doon. Panalo ang Mama­mayan! Panalo ka Anakalusugan!

Magandang abangan ang grupong ito dahil sa dinami-dami na ng mga katulad nito ay mas kikilatisin sila ng mamamayan kung ano ang mayroon sila na wala sa iba.

Maganda ang adbokasiya ng grupong ito dahil kahit anong partido politikal ang kinaaniban ay swak sa kanilang pagtulong. Kumbaga, walang kulay ang kalusugan para sa grupo, “dutertard” ka man o “yellowtard.”

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umay ka na ba sa korupsiyon?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pagiging talamak ng korupsiyon sa mga pinapasok na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sumuko nga ba o naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC)?

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang nagugulohan sa totoong detalye ng pagpapasakamay ni Quiboloy sa …

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *