Thursday , March 30 2023

Intelligence gathering pinaigting ng NBI

LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan ni Pangulong Duterte ang national ID system.

Gumawa na agad siya ng hakbang laban sa nagbabalak mameke ng kanilang national ID lalo ang mga kriminal.

Inutusan niya lahat ng tauhan niya na pala­kasin ang profiling ng mga international syndicate lalo sa droga.

Mag-ingat din ang mga smuggler at mga tauhan ng gobyerno na may record sa corruption.

Minomonitor na kayo!

Isalang sa lifestyle check ang mga goverment official base sa kautusan ni Pangulong Duterte na no one is above the law.

Itong bagong polisiya ni Deputy Intel Distor ay lalansagin niya ang mga sindikato sa pamamagitan ng makabagong estratehiya ng communication unit ng NBI para madaling magkaroon ng ugnayan sa bawat ahensiya ng gobyerno na makakatulong sa agarang pagsugpo ng krimen.

At para na rin sa nangangailangan ng tulong sa NBI ng kababayan natin na biktima ng karumal-dumal na krimen.

Pagtutuunan din ng Intel monitoring ni Deputy Distor na mangalap ng ebidensiya batay sa report na may isang media man na involve noon sa ilegal na droga.

Nakatutok rin ang NBI Intel sa mga broker at mga Chinese importer na involved sa rice smug­gling, sugar, resin at hoarding ng bigas.

Mabuhay ang NBI! God bless us all!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *