READ: CJ Ramos, problemado at depress
GUILTY. Ito ang hatol ng Metropolitan Trial Court, Taguig kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro noong 2014.
Ayon kay Vhong, sa isang interview niya, nakahinga na siya ng maluwag dahil nakamit na niya ang hustisya.
“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,” sabi ni Vhong.
Sa tanong kung nakapagpatawad na ba siya, ang sagot niya, willing siyang magpatawad kung ang tao ay pinagsisisihan kung ano ang ginawa niya. Kaso mahirap magpatawad kung ang tao ay hindi naman humihingi ng tawad sa kasalanang ginawa niya. Na ang ibig sabihin ni Vhong ay hindi niya pa napatatawad ang tatlo dahil hindi naman ito humihingi ng tawad sa kanya.
Marami ang nagsasabi kay Vhong na magdoble ingat pa rin siya ngayon, pero ayon sa kanya, ibinigay na niya ito lahat sa Diyos.
“‘Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari, mangyayari. Kumbaga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung ginagawa mo lahat. Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa atin.”
(ROMMEL PLACENTE)