READ: Alden, may ibubuga sa aksiyon
READ: Empoy, muling sumemplang
MARAMING humahanga sa Kapuso Network kung paano nakumbinsi si Nora Aunor na gumawa ng teleserye sa kanila, ang Onanay.
Marami kasing malalaking artista ang asiwa pang magteleserye dahil hindi makayanan ang sobrang puyatan at trabaho.
Minsan kasi’y 5:00 a.m. ang start ng taping hanggang kinabukasan pa matatapos.
Pero ang dinig namin, may takdang oras pala o schedule ang taping ni Nora. Hindi puwedeng magdamagan.
Maganda ang casting ng Onanay dahil tampok si Cherie Gil at idinidirehe naman ni Gina Alajar.
Worth seeing dawn a serye ito, kuwento ng mga tagahanga ni Guy.
Akma kasi ang role sa kanilang idolo.
Pero ang pinakamasuwerte ay si Jo Berry, baguhang binigyang pagkakataon para makasama ang mga bigating artista.
Kuwento ni Cherie, hindi kaya siya makarma sa sobrang panlalait kay Jo na asawa ng kanyang anak.
Maganda namang makapanood ng isang seryeng bukod sa bigatin ang mga artista ay hindi puro kabaklaan at pagpapatayan na lang ang tema.
Sa hirap ng buhay ngayon maganda namang makapanood ang masa ng hindi na kailangan pang magbayad sa sinehan.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales