READ: Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga
NAKADALAWANG concert na si Anne Curtis sa Araneta Coliseum, at parehong hit iyon. Ngayon inihahanda niya ang ikatlo, iyong Anne Kulit, Promise Last na Ito, sa August 18, bilang celebration din ng kanyang 21 years sa showbusiness. Pero bakit nga ba “last na ito”?
“When I first had a concert, talagang subok lang. It was a hit, kaya nasundan ng isa pa. After that I think I had more than enough. Hindi naman ako singer talaga. TV host ako and an actress. Iyong singing kakulitan lang talaga na I just want to try out of my kakulitan. I even made an album, at nakatutuwa naman na ang ginawa kong album naging platinum.
“I can’t even believe, bakit nila ako pinanonood sa concerts? Bakit nila binibili ang album ko? Pero ganoon ang nangyari eh.
“Ngayon ayoko na rin talaga sana, pero si Boss Vic ang may gusto, kasi nga 21 years na ako sa showbusiness and he feels magandang celebration iyong magkaroon ulit ng concert, pero sabi ko nga promise last na talaga ito. Kasi ang totoo gusto ko ring mag-concentrate talaga sa movies, sa pagiging isang actress at pagiging isang TV host, which I feel I can do better,” sabi ni Anne.
Paano kung maging hit iyang sinasabi niyang last concert niya, na certainly nga ay hit na dahil lahat halos ng kanyang VIP tickets ay sold out na after three days lamang ng bentahan niyon?
“Honestly, that I don’t know. Alam mo naman kung maging hit ka, they will ask for more. Pero kung ako nga ang tatanungin, I think I’ve had enough.
“Gusto ko rin namang bigyan ng time ang family ko. After this concert, and before the start of the promo of my festival movie, bibigyan ko naman ng panahon ang asawa ko. Kanina nga tumawag siya sa akin, asking me, when can we have dinner at home, iyong tayong dalawa lang. I told him tatapusin ko lang lahat ito, and then I will give him my time.
“One year na ngang delayed iyong honeymoon namin, which we want to do during these work breaks that I have. We intend to go to South Africa. We will make time for each other naman,” sabi ni Anne.
HATAWAN
ni Ed de Leon