Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Huwag nating abusuhin ang kapaligiran

Cleanliness is next to Godliness.

                                   — John Wesley, 1778

 

PASAKALYE:

Natitiyak nating dumaan sa masusing pagsusuri ng National Police Commission (Napolcom) ang performance at kalidad ng ating kaibigan at kapatid na heneral — Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar, bago siya inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ma-promote sa directorship, o two-star status.

Kung aaprobahan ito ng punong ehekutibo, marahil ay hindi na ituturing pang acting regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ating kinabibilibang heneral—kumbaga ‘legitimized’ (tama nga ba ‘yong term?) ang hawak niya bilang NCRPO chief.

Gayonman, natutuwa naman ang  Pangil dahil nakita rin at kinikilala ng Napolcom en banc, sa pamumuno ni interior and local government secretary at Napolcom Chairman Eduardo Año ang husay at galing bilang isang police officer and gentleman ng ating kapatid na heneral para iendoso sa Office of the President ang Resolution No. 2018-348 (dated July 23, 2018) na nagrerekomenda sa acting NCRPO chief sa next higher rank.

Miyembro po si Eleazar ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class ng 1987.

Ayon kay Napolcom vice-chairman at executive officer Atty. Rogelio Casurao, inirekomenda nila ang promotion ng ating kaibigan dahil aprobado ng mismong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Oscar Albayalde.

 

REAKSIYON:

Hindi na tayo magtataka kung ma-promote man si Gen. Eleazar dahil hindi rin naman nagdamot sa kasipagan ang ating mahal na kapatid, kaya nga hindi na rin kailangan pang ipagdamot o patagalin pa ang promotion niya.

Kudos, Sir Guiller. . .

***

GAGAMITIN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang latest German technology sa paglalagay ng bagong drainage system sa isla ng Boracay.

Ayon kay public works and highways secretary Mark Villar , papalitan ng anim-na-metrong habang mga high density polyethylene (HDPE) plastic pipe na may lapad na 1.2 metro ang tig-isang-metrong habang mga reinforced concrete pipe na tradisyonal na ginagamit sa paglalagay ng drainage at sewerage system sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ani Villar: “Ang lifespan ay hundred years . . . In terms of size, doble po ang laki ng pipes na gagamitin namin sa project.”

 

REAKSIYON:

Umaasa ang anak ni dating Senador Manny Villar na ang magiging solusyon para mawakasan ang pagkasalaula sa likas na yaman ng Boracay.

Dangan nga lang ay hanggang sa makakaya lang ng teknolohiya ang pagsagip sa ating kapaligiran at kalikasan. Hangga’t may umaabuso ay wala rin kahihinatnan kalaunan. Ang mahalaga ay matuto ang publiko sa kahalagahan ng pangangalaga ng ating paligid upang hindi ito masira.

Kaya nga mas bibilib kami kung mapapasunod ang lahat sa tamang paggamit ng yamang ipinagkaloob sa ating ng Panginoong Diyos.

Tama po ba?

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *