Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Sharon Cuneta

Kris, winakasan, pang-iintriga sa kanila ni Sharon

READ: FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pinaporma si Victor Magtanggol

READ: Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo

TINAPOS agad ni Kris Aquino ang pang-iintriga sa kanila ni Sharon Cuneta, ang umano’y pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan.

Sa isang post ni Kris sa kanyang social media account may nagtanong kung magkagalit ba sila ng Megastar dahil hindi raw nagpasalamat si Kris kay Sharon kahit nagpa-block screening ang aktres ng I Love You, Hater na pinagbibidahan ni Kris kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Tugon ni Kris sa netizen, “I’m sorry I’m unaware, I thanked her personally through text when I saw the @starcinema post of her interview…”

Sinabi naman ni Sharon nang magsagawa siya ng block screening ng I Love You Hater na gusto niyang imbitahan si Kris subalit nasa ibang bansa ito. Ito ‘yung nagpunta ang Queen of Online World and Social Media sa Indonesia para sa isang TVC shoot ng isang herbal medicine.

Pinuri pa nga ni Sharon si Kris sa pelikula nito. “…But you are so refreshing in this movie and your character just as fun and colorful as your outfits na I am sure matutuwa lalo the audience when they watch you!”

Maging si Sharon ay nakiusap sa mga nang-iintriga sa kanila ni kris na huwag silang gawan ng isyu.

“We have no problem so let’s not make one,” giit pa ni Sharon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …