Friday , December 9 2022

FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pinaporma si Victor Magtanggol

READ: Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo

READ: Kris, winakasan, pang-iintriga sa kanila ni Sharon

NANATILING pinakapinanonood ang action serye ni Coco Martin dahil hindi ito tinalo ng bagong katapat na programa noong Lunes, Hulyo 30.

Sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang Kapamilya primetime series ng national TV rating na 42.4% sa parehong rural at urban homes, o higit doble sa nakuhang 20% ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Ang episode na napanood sa FPJAP ay ang pagbabalik ng Maynila nina Cardo (Coco) at Alyana (Yassi Pressman) para magpaalam sa kanilang pamilya na sa Sto. Niño na sila maninirahan. Na naging dahilan para  matunton sila ni Marco (JC Santos), na may kasamang armadong grupo upang patayin si Cardo at bawiin si Alyana.

Talo rin ang serye ni Alden sa AGB Nielsen Philippines’ Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Nakakuha lamang ang Victor Magtanggol ng got 12.4% rating samantalang ang FPJAP ay mayroong 14.7%.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply