Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krystall Herbal Oil, and Nature Herb kontra binat

Dear Sis Fely Guy Ong,

Good day po.

Nabinat daw po ako noon sa panganganak. Kaya uminom po ako ng Krystall Nature Herb tea (recommended ng butihing kaibigan na si Gloria Galuno). Tuwing gabi ay naghahaplos ako ng Krystall Herbal Oil mula ulo hanggang paa at bumuti-buti naman ang pakiramdam ko.

Okey lang po ba, kahit sa buong katawan gamitin ang herbal oil? Saan po ba ito nabibili? Puwede rin po ba ito sa mga anak ko? Thank you po, more power…

God bless po.

Susan Cambri,
[email protected]

 

Dear Susan,

Tama ang ginawa mo Susan, hinaplosan  mo ng herbal oil ang iyong buong katawan. At tama rin na uminom ka ng Krystall Nature Herb dahil ito ay makatutulong sa iyo na pagpawisan nang husto para mailabas ang nagsasalubong at nag-aaway na init at lamig sa loob ng iyong katawan kaya kung minsan ay nararamdaman mong napakalamig ng iyong paa pero mainit ang pakiramdamdam ng iyong buong katawan.

‘Yung para bang nilalagnat  ka at pagkatapos ay bigla kang magti-chill. Madalas mangyari ito sa iyong pagtulog. 

Ang babaeng nabinat sa panganganak ay kailangang gamutin. Dahil kung hindi ito magagamot, magkakaroon ng permanenteng sakit sa ulo ang pasyente. Ang iba ay nagiging aneurysm, ito ‘yung sinsasabi nilang nasumpit ng hangin sa ulo.

Tandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag kung ano ang sanhi ng aneurysm. Basta’t ang nakikita  lang ng mga aparatus ay nagbara daw ang ugat. S’yempre hindi kayang makita sa apparatus ang hangin o lamig na pumasok sa nerves ng isang tao.

Sa oriental medicine, ang pasma at binat sa isang babaeng bagong panganak ay ginagamot sa pamamagitan ng pagsusuob. Pagkatapos suubin ang may binat, uminom ng mainit na Krystall nature herb at maghaplos ng Krystall herbal oil sa buong katawan.

Ituloy mo ang paghahaplos ng Krystall Herbal oil Susan, ganoon din ang pag-inom ng nature herb hanggang mawala ang grabeng pananakit ng iyong ulo.  Mahigpit mong obserbahan ang temperatura ng iyong katawan.

Oo, Susan, ang Krystall Herbal oil ay maaari rin gamitin sa mga bata.

Hangad naming ang tuluyang pagkawala ng iyong pasma at binat, Susan.

Sumasaiyo,
Sis Fely Guy Ong

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …