Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, itinanghal na coolest driver

MAY bagong tropeong idaragdag na naman si Sam Milby sa lagayan niya dahil nitong weekend ay nakamit niya ang Fastest Lap Celebrity Class sa Vios Cup 2018.

Binigyan din ng dalawang special award ang aktor, Petron XCS Xcitement Award at Coolest Driver at nakatunggali niya sina Troy Montero, Fabio Ide at iba pa na hindi namin nakuha ang kompletong listahan.

Mahilig talagang mangarera itong si Samuel na rati ay sa motocross naman at nanalo rin, pero nag lie low noong magkaroon ng aksidente at kailangan niyang ihinto dahil at that time ay may ginagawa siyang teleserye.

At dahil hilig talaga ng aktor ang karera ay napunta na sa kotse at hindi naman siya nabigo at wala ring nangyaring masama sa kanya kaya nga itinanghal na coolest driver.

Mas masarap siguro ang pakiramdam ni Sam kung may inspirasyon siya habang nangangarera, kaso waley.

Mukhang deadma muna sa aktor ang girlfriend dahil trabaho muna siya habang wala pa ang tamang babae sa buhay niya.

Ang isa pang ikinasasaya ni Sam ay ang nalalapit na pag-ere ng Halik, Agosto 13, na bagong teleserye nila nina Jericho Rosales, Yen Santos, at Yam Concepcion mula sa RSB unit.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …