NAKATAKDANG idaos sa Palasyo ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law sa darating na Lunes, 6 Agosto.
Nabatid kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, ang iskedyul ng ceremonial signing ay isasagawa bago magtungo sa pilgrimage sa Mecca si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for political affairs at Bangsamoro Transition Commission (BTC) head Gahdzali Jaafar.
Matatandaan, nilagdaan noong nakalipas na Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Niratipikahan ng Senado ang BOL noong 23 Hulyo at kinabukasan ang Kamara naman.
Nakatakdang lagdaan ni Duterte ang BOL sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong 23 Hulyo ngunit naunsyami dulot ng girian sa liderato ng Kamara.
(ROSE NOVENARIO)