Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo at Coco, muling magsasama sa Jack En Poy: Da Pulis Incredibles

READ: Che Cosio, fav indie actress ni Direk Jerold

READ: Chrome, wish mapasama sa Ang Probinsyano

PAGKATAPOS ng FPJ’s Ang Probinsyano aksiyon-serye ay sa pelikula naman magsasama sina Coco Martin at Arjo Atayde at siyempre si Vic Sotto para sa pelikulang Jack en Popoy:  Da Pulis Incredibles, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival handog ng M-Zet, APT, at CCM Productions mula sa direksiyon ni Michael Tuviera.

Nalaman naming kasama si Arjo sa pelikula nina Vic at Coco nang may maglabas ng litrato ng buong cast ng pelikula at isa nga ang aktor.  Ang nakita naming kasama pa ay sina Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Tirso Cruz lll, Baste, Jose Manalo, Mark Lapid, PJ Endrinal, Ryza Cenon, Maine Mendoza at iba pa.

Ginanap ang storycon ng Jack en Popoy:  Da Pulis Incredibles nitong Sabado at tanging sina Coco, Maine, at Vic ang humarap sa media.

Mukhang taon ni Arjo ang 2018 dahil sunod-sunod ang pelikula niya dahil sa Agosto 1 palang ipalalabas ang BuyBust mula sa Viva Films at Reality Entertainment.  At ipinakikita na rin ang trailer ng susunod na pelikula ng aktor na ‘Tol kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa mula naman sa direksiyon ni Miko Livelo na ipalalabas sa susunod na buwan.

Anyway, hiningan namin ng reaksiyon si Arjo sa muli nilang pagsasama ni Coco at kasama pa si Vic habang tinitipa ang balitang ito pero hindi kami sinagot ng aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …