READ: Manoy, ipina-torture si Tony; ipinakagat sa mga daga
NABANGGIT pa na may ibang nakapanood na sa ML na nagsabing, ‘para akong lalagnatin sa mga eksena.’
Anyway, sa edad na 89 ay wala pa sa isip ng batikang aktor na magretiro dahil ang katwiran niya, “As long as they need me, I’ll be there. If they don’t need me anymore, I will quit.”
Hindi rin namimili ng role si tito Eddie as long as kaya niyang gawin.
“Well, whatever is offered to me, I accept it. It’s just a job. Ako kasi, kahit na anong i-offer, tinatanggap ko, eh. Walang masamang damo sa akin,” saad ng aktor.
Tinanong namin kung tanda pa niya kung pang ilang pelikula na niya ang ML, “close to 600 films.”
Nakailang awards na si tito Eddie, “sa Famas, I’ve already achieved the hall of fame in three categories, lead actor and supporting actor. So far I received about 36 awards in different categories and different award giving bodies.
“In ‘Bwakaw ‘alone, I won 5 best actor awards, one in Macau (Asian Film Awards 2013), one in Hongkong (Asia Pacific Film Festival) and then 3 here (Cinemalaya Film Festival/FAP Awards at Gawad Urian Awards).”
Mukhang nakalimutan ni tito Eddie na nanalo rin siyang Best Actor sa Golden Screen Awards at tabla sila ni Alfred Vargas para sa pelikulang Supremo at sa Star Awards for Movies.
Obviously inabot ni tito Eddie ang martial law kaya inalam namin kung pareho ng kuwento sa pelikula base sa mga nangyari noon according to research,
“Ay iba ito. This (movie) happened now, ang role ko roon PC Colonel who is active during the Martial Law. Mayroon ng kaunting dementia so akala niya martial law.
“Siya (Tony) naman, nag-aaral sa college, ang project niya ay to interview someone who is active during the martial law so nagkataon na pumunta siya sa akin to interview me, akala ko aktibista pa rin siya, akala ko martial law, kaya tinorture ko,” pagkukuwento ng aktor.
Tatlo ang tinorture rito ni tito Eddie, sina Tony, Henz Villaraiz at Lianne Valentine at nakatakas.
Ayon sa direktor na si Benedict malakas ang pakiramdam niyang mananalo bilang best actor si tito Eddie, “well don’t expect, there are 10 entries,” saad ng aktor.
May gala night ang pelikula sa Agosto 5 (Linggo) at mapapanood naman ito simula August 3-12 sa CCP Theaters at piling sinehan ng Ayala Cinemas.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan