Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagre-reyna sa 5 Asian countries

NA-CONQUER na ni Kris Aquino ang Asian countries tulad ng Singapore, Malaysia, Japan, Thailand, at Indonesia pagdating sa brand partners. Sa kasalukuyan ay nasa Indonesia siya para sa isang TVC shoot. Yes television commercial na ilo-launch sa Pilipinas isa sa mga araw na ito.

Ang nasabing produkto ay dating inendoso ni Senator Manny Pacquiao pero sa Indonesia lang ito lumabas kaya marahil hindi natin nabalitaan.

At ngayon ay nag-expand na ang may-ari ng nasabing produkto na gusto rin nilang i-distribute sa labas ng Indonesia at napili ang Pilipinas. At dahil sa ating bansa ito ilalabas ay siyempre, kailangan nila ng effective brand endorser at ang Queen of Online World and Social Media ang napili at kung bakit ay heto, ipinost ni Kris sa kanyang IG account ang kuwento.

Base sa kuwento ni Kris sa video post niya kahapon habang isinu-shoot ang TVC, “SidoMuncul Owner & CEO, Mr. Irwan Hidayat was so GRACIOUS- they own according to Forbes.com Indonesia’s largest herbal medicine company.

“Last night when I arrived at their hotel personal nya kong ti-nour. His grandmother started their company in 1951. Nag research na po ako- Indonesia has a population of close to 267 million according to worldpopulation.com & yesterday when we were buying our traveler’s SIM cards & I presented my passport, they asked what we were doing here in Indonesia, sumagot si @nix722 na may shooting for 1 of the products of SidoMuncul & we asked kung alam nila kung ano ‘yun- napahiya na lang po kami kasi her look was like “ang clueless nitong mga ‘to” they said the brand is number 1 in Indonesia.

“When we took our seats in the Garuda domestic flight- sa monitors may commercials ‘yung product super nakakataba ng puso that an iconic Indonesian company chose me to be their endorser for their launch in the Philippines.

“Dahil nga po curious ako- I asked why they chose me?  Sinabi po nila- as a family mahalaga sa kanila na ‘yung mag re-represent sa kanila pinapahalagahan ang pagiging nanay dahil lola n’ya ang nagsimula, mama n’ya ang nagpalaki, and now oldest daughter n’ya po ang magpapatuloy.

“Na impress ako na lumaki si Sir Irwan embracing WOMEN EMPOWERMENT. Sinabi ko po sa kanya “please adopt me?” Hindi pa n’ya ko super kilala kaya nag “SURE Kris- I’ll be happy to.” #gratitude#ichooselove.”

Hayan, kaya hindi na dapat pagtakhan kung mapapadalas na ang pagpunta ni Kris sa Indonesia tulad ng ginagawa niyang pagbalik-balik sa Japan.

Hmm, tsinek namin ang listahan ng Asian countries, wala pa ang mga bansang Korea (North and South) Cambodia, Brunei, Bhutan, China, India, Laos, Kuwait, Maldives, Turkey, Vietnam, Taiwan at marami pang iba na puwede pang kunin si Kris bilang brand partner.

Anyway, excited kami sa mga produktong ilo-launch sa Pilipinas dahil herbal medicines ito na hinahanap na ngayon ng lahat lalo na kami. Sana makatulong din ang mga gamot na ito sa mga allergy ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …