Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, nagda­dalamhati pa rin

KUNG kailan going smooth na ang buhay ni Mona (Jodi Sta. Maria) pagkatapos ng pagdadalamhati niya sa pagkawala ng Tagpuan dahil kasama niya ang magulang ay at saka naman siya muling mapapasok sa gulo base sa tumatakbong kuwento ng seryeng Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime.

Nalaman ni Mr. Supapi (Leo Martinez) kung saan na nakatira si Mona dahil pinasundan niya sa tauhan ang tatay ng dalaga na si Ramon Bulalayao (Edgar Mortiz) na galing sa sabungan.

Nauna na rito ay naka­sagupa na nina Mona at Leo Tabayoyong (Robin Padilla) ang tauhan ni Mr. Supapi nang magkita sila sa sabungan at hindi pa ipinagtapat ng una ang tunay na dahilan kung bakit siya hinahabol, sabi lang niya may malaki siyang utang. Hindi niya binanggit na kinuha nito ang clutch bag ng sabungero na naglalaman ng mga diamante.

At ang mga diamanteng ito ay napunta naman kay nanay Lena (Alma Moreno) niya na nakuha sa gamit ng asawang si Ramon na inakalang mga Swarovski na puwedeng gamitin sa pananahi.

Bumalik naman sa pagiging agent si Leo para alamin kung bakit hinahabol ng sindikato si Mona at kung ano ang kinalaman niya rito na hindi naman sinasabi sa asawang si Liza (Jodi).

Ano naman ang kaugnayan ni Sandra Tan (Irma Adlawan) sa ama ni Lisa na si Juancho Laureano (Christopher de Leon) dahil nang magkita sila sa opisina para dalawin ang anak ay nagkatitigan sila na hindi napansin ng asawa ni Leo.

Anyway, hindi pa rin okay sina Mona at Martin (Richard Yap) dahil akala ng huli ay galit pa rin sa kanya ang dalaga.

Abangan ang Sana Dalawa Ang Puso dahil ano kaya ang mararamdaman ni Leo kapag nalaman niyang may kinuhang bagay si Mona kay Mr. Supapi na hindi ipinaalam sa kanya.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …