Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahigpit na yakap, isinalubong ni Vice kay Kris; Direk Paul at Toni, at Coach Chot, may pa-BS ng ILYH

READ: Tampuhan, isinantabi para kay Bimby

NGAYONG gabi ang pa-block screening nina Direk Paul Soriano kasama ang misis na si Toni Gonzaga at hipag na si Alex para sa pelikulang I Love You, Hater, 7:00 p.m. sa SM Aura, Taguig City.

Bilang suporta ng mag-asawang Paul at Toni sa ninang Kris Aquino ang pa-BS nila sa pelikula. Malapit ang dalawa sa Queen of Online World and Social Media at maraming nagawang maganda rin kaya ito ang one -way para ipakita nila ang kanilang suporta.

Sa ganap na, 9:00 p.m. sa parehong sinehan ay ang Team Gilas Pilipinas kasama ang coach nilang si Chot Reyes naman ang may pa-block screening ng ILYH kaya naman sobrang nagpapasalamat si Kris sa mga nabanggit dahil hindi niya ito hiningi at kusang ibinigay sa kanya.

Pero bago ang lahat ay nalinawan na ang isyung magkagalit o magka-away sina Kris at Vice Ganda dahil inimbitahan ng huli na manood sila ng I Love You, Hater sa Trinoma Cinema 5 nitong Sabado ng gabi.

Sa pagkikita nina Vice at Kris ay walang nakitang bakas na nagkaroon ng tampuhan dahil ramdam mo ‘yung saya nila pareho dahil sinalubong ng una ang huli ng mahigpit na yakap kaya naman naluha-luha si Tetay.

Mas naunang yakapin ni Vice nang mahigpit si Bimby na sobrang na-miss niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …