Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, naluha sa pa-block screening nina Angel at Kim

HINDI pa rin natatapos ang sangkaterbang pa-block screening ng I Love You Hater bilang suporta kay Kris Aquino mula sa mga kaibigan at bukod pa sa mga hindi niya kilalang tao na maramihan din ang biniling tickets at inilibre ang mga trabahador at pamilya.

Nitong Huwebes ng gabi, hindi napigil ng bagyong Inday sina Angel Locsin at Kim Chiu para magdaos ng block screening sa SM Aura.

Nalaman naming hiningi muna ni Angel ang schedule ni Kris kung okay ang Huwebes dahil may inaayos silang BS (block screening) para sa I Love You, Hater at tinanong pa kung sino ang gusto pang imbitahan ng aktres para dumalo.

Halos naluha sa tuwa si Kris at talagang abot-abot ang pasalamat niya kina Angel at Kim at kasama pa si Julia Barretto. 

Nag-IG live si Kris nitong Huwebes ng gabi sa SM Aura at pagkalipas ng 20 minutes ay umabot na sa mahigit 6k ang nanonood at binabati siya. Sa madaling salita, bawat kilos, galaw, at salita ng Queen of Online World at Social Media ay inaabangan ng publiko?

Kaya huwag na tayong magtaka kung pati personal jokes niya sa mga taong malalapit sa kanya ay malaking isyu.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …