Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jon Lucas ng Hashtag, inaming may asawa’t anak na

UMAMIN na si Jon Lucas na may asawa’t anak na siya at blessings ang pagkakaroon niya ng anak na walong buwan na ngayon.

Pagkatapos ng presscon ng pelikulang Dito Lang Ako ay hindi na tinantanan si Jon tungkol sa anak niya.

Nag-ugat ang isyu nang suspindehin ng It’s Showtime si Jon bilang isa sa miyembro ng Hashtag.

Aniya, “gusto kong magpakatotoo na totoong may anak na po ako, lalaki at siya ang pumalit sa lungkot sa pagkawala ng mama ko. Nagkaroon na po ako ng baby boy, 8 months na po.  

Kahit nasuspinde ako sa ‘Showtime’ nalilibang ako ng totoong libang, nag-e-enjoy ako ng totoong saya kasi naalagaan ko ‘yung baby ko habang lumalaki siya naibibigay ko ang responsibility ko bilang ama.” 

Naniniwala si Jon na blessing talaga ang anak dahil may mga project siya tulad nitong Dito Lang Ako na siya pa ang bida sa unang pagkakataon.

Klinaro ni Jon na ikinasal muna sila ng girlfriend niya bago nabuo si baby Bryzen Christian noong 2017.

Kaya talagang kayod marino siya dahil sa pamilya niya.

Humihingi ng pang-unawa si Jon sa mga supporter niya na intindihin siya dahil sa nangyari at wala siyang pagsisisi dahil masaya siya.

Samantala, gagampanan ni Jon ang karakter na Delfin at pareho sila ni Michelle Vito as Nelia na parehong nagtatrabaho sa Blade car accessories at dito iikot ang kuwento ng love story nila.

Kasama rin sa pelikula sina Ms Boots Anson Roa, Akihiro Blanco, Garie Concepcion, Senpai Kazu, at Roadfill ng Moymoy Palaboy. Mapapanood ang Dito Lang Ako sa Agosto 8, 2018, idinirehe ni Roderick Lindayag produced ng Blade Entertainment.

May mall show ang buong cast sa Sta. LUcia Mall, Agosto 4, 3:00 p.m. at SM Taytay, 7:00 p.m..  Sa SM Megamall Cinema 7 naman ang red carpet premiere sa Agosto 6.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …