Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BuyBust, Graded A ng CEB; Direk Erik, mas gustong kumita ang pelikula

UMABOT pala sa P200-M ang ginastos sa pelikulang BuyBust kaya pala parating sinasabi ni Direk Erik Matti na sana kumita ang pelikula para mabawi ang nagastos nila ng Viva Films na co-produce ng Reality Films.

Sabi ni direk Erik nang makatsikahan namin sa send-off presscon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga delegadong dadalo sa nakaraang New York Asian Film Festival, ”okay na ako sa award-award, mas gusto kong kumita ang pelikula, ang laki ng nagastos, eh.”

Nag-sold out ang tickets ng pelikula sa NYAFF kaya marami pa ang hindi nakapanood at humihiling na i-extend ito pero hindi na puwede kaya abangan na lang nila kung kailan ito ipalalabas at sa anong state sa Amerika.

Ang saya-saya rin ng buong cast ng BuyBust kasama na ang producers dahil binigyan ng Grade A ang pelikula ngCinema Evaluation Board (CEB).

Samantala, curious kami kung kasya ang 700 katao sa Trinoma Cinema 7 dahil doon gaganapin ang Celebrity Screenings ng BuyBust sa Hulyo 23, Lunes dahil ang pagkakaalam namin ay nasa 400-500 lang ang seating capacity nito.

Hindi na dapat pagtakhan kung ganito karami ang gustong manood sa screening ng BuyBust dahil sa rami ng cast ng pelikula ay siyempre may mga kasama rin sila na gusto nilang ipapanood ang pinaghirapan nila sa loob ng dalawang taon bukod pa ‘yung mga kasama ng staff and crew.

At hindi rin kataka-taka na aabot sa P200-M ang production cost dahil umabot nga ito ng dalawang taong shooting at pawang big scenes pa na sa bawat eksena ay umaabot ng tatlo hanggang apat na araw kunan at 57 takes pa?

Kasama na kaya sa P200-M ang promo ng pelikula?

Anyway, bago ipalabas ang BuyBust sa mga sinehan sa Agosto 1 ay magkakaroon ng screening sa UP Film Center sa Hulyo 25, Miyerkoles para naman sa mga estudyante.

Bukod kay Anne Curtis, kasama rin sina Brandon Vera, Joross Gamboa, AJ Muhlach, Victor Neri, Nonie Buencamino, Alex Calleja, Levi Ignacio, Mara Lopez, Arjo Atayde at marami pang iba mula sa Viva Films at Reality Films na idinirehe ni Erik Matti.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …