READ: Touching scene ni Kris with Ronaldo, pinuri
READ: Supporters, mga kaibigan, kanya-kanya ng pa-BS at panonood
HINDI pa rin natitinag ang pelikulang I Love You, Hater kahit na nagbukas noong Miyerkoles ang dalawang foreign films na Billionaire Boys Club at Mama Mia, Here We Go Again dahil marami pa ring nanonood.
Ang isang foreign movie na nagsimula lang kahapon ay inalis na agad sa sinehang aming pinuntahan. Kumbaga, first day last day na.
At katulad din noong nakaraang linggo na dalawa rin ang nakasabay ng ILYH na foreign movie, hindi rin nagpatalo.
Walang pasok nitong Lunes at Martes dahil sa bagyong Henry na inakala namin ay walang tao sa mga sinehan kasi mas masarap matulog sa bahay, pero mali kami dahil extended ang ‘family day’ dahil marami pa rin kaming nakitang nanood ng I Love You, Hater sa SM Megamall. Itinawag din ito ng mga kakilala naming taga-Eastwood City Walk 2 at Gateway Mall.
Anyway, may magandang isinulat ang respetadong veteran writer na si Mr. Mario Bautista tungkol sa pelikula nina Kris Aquino, Julia Barretto, at Joshua Garcia.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan