Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, sinuportahan ni Erik, nanlibre ng mga kaibigan para sa ILYH

ILANG araw nang ipino-post ni Kris Aquino ang pasasalamat niya sa mga taong nanood ng I Love You, Hater tulad ni Erik Santos na nang-libre ng mga kaibigan niya.

Ayon sa IG post ng Queen of Online World and Social Media ng litrato ni Erik kasama ang mga kaibigan, ”As i post this, lumuluha ako, I checked my phone & saw a simple- “Hi Ate” and these pictures hindi po ako nagkamali sa pag LOVE kay @eriksantos. When I needed FRIENDS to stand w/ me- HINDI NYA KO BINIGO. To his generous “fairy godmother” & his fans- THANK YOU! #loved.”

At kahapon(Martes) ng umaga ay maagang nagising si Kris at muling naglabas ng hinaing sa kanyang IG.

Post ni Kris, ”#truelang 6 AM na, I need to be up 10 AM to get ready to fly home inaantok na, pero ayaw matulog kasi ayaw payagan na matapos ‘yung isa sa pinaka nagpaligayang araw sa buhay ko alam ko na marami sa inyo ine-equate ang pagiging matapang at STRONG sa akin, alam ko rin na dapat mag THANK YOU ako sa pagpuring yun, pero yung totoong ako- maraming naitago na rin sa inyo- ‘yung mga araw na di na lang ako lumabas sa kwarto ko, yung mga hindi kinaya pero ‘di pwedeng makita ng mga anak na umiiyak ako kaya ginawa na lang yun habang naliligo para walang ebidensya, yung mga panahon na handa na talagang sumuko nu’ng nagdasal ako sa Anticipated Mass nung Saturday night- sobrang simple ng pinakiusap ko kay God- bigyan lang nya ko ng gift of HUMBLE ACCEPTANCE tapos starting July 15 & then 16- sunod-sunod yung messages that I got from friends & supporters.

“PINAGLABAN n’yo ko at hindi nyo ko pinabayaan. Marami sa inyo like me-may mga panahon na sobrang down na ang pakiramdam pero sana may yumakap at umalalay sa inyo isipin n’yo po ‘yung nararamdaman ng puso ko ngayon- sinuportahan ako at pinanindigan ako ng napakarami ninyo.

“Sinabi ko sa sarili ko & this is for all of you, too- sa ano mang oras na mawalan ng tibay ng loob- remember this feeling- that when you no longer expect it, humanity will pleasantly surprise you- because so many compassionate and good people remain & will VOLUNTARILY make you feel #loved.

“THANK YOU isn’t enough for all of you who are my RAINBOWS-BUT 1 day dahil nga bilog ang mundo gagawan ng Diyos ng paraan na matumbasan ko ‘yung kabutihan at pagmamahal na pinakita ninyo sa isang komplikadong babae na ang pangalan ay Kris Aquino.”

Samantala, parami pa rin ng parami ang nanonood ng I Love You, Hater dahil curious ang lahat sa mga review na nababasa nila tungkol sa mga eksenang nakaiiyak nina Ronaldo Valdez, Julia Barretto, at Joshua Garcia at ni Kris.

Nagtanong kami ng update ng kita ng ILYH kahapon sa Star Cinema pero hindi pa kami binigyan ng latest figures.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …