Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bukol ni Ahron, madalas makita at ma-touch ni Kakai

INAMIN nina Kakai Bautista at Ahron Villena na maski magkatabi sila sa iisang kama kapag nasa out of the country shows sila ay walang malisya at walang nangyayari.

Marami ang hindi naniniwala dahil imposible walang mangyari dahil alam naman ni Ahron na gusto siya ni Kakai.

Matagal nang tinutukso ang dalawa pero paulit-ulit nilang sinasabing wala silang relasyon at nagtataka ang lahat kung bakit matindi silang mag-away kung wala silang relasyon.

Kaya for nth time ay muling tinanong si Kakai kung ano talaga ang relasyon nila ni Ahron, ”Wala!” mabilis na sagot ng komedyana.

Ang nakatataka, kapag magkatabi sila sa kama ay natatamaan ni Kakai ang private part ni Ahron kasi minsan nakadantay ang dalaga na inakalang unan ang binata.

Say ni Kakai, ”Wala po talaga. Ganoon lang kami, nagbubuwisitan lang kami araw-araw kahit sa mga biyahe namin.”

Ikinuwento rin ni Kakai na mahilig manukso si Ahron na nakatapis lang ng tuwalya at bakat ang hinaharap at papasok ng banyo ay tatanggalin ang tuwalya na halatang pinasasabik ng aktor ang aktres.

Tumatawa lang ang binata, ”ang hirap naman pong itago, anong gagawin ko?”

Aminado si Kakai na nagkagusto siya kay Ahron, ”ako kasi ‘yung tao na sa salita lang ako malandi, eh. Pero ‘yung ako ang mauuna, hindi talaga, pramis! Kaya galit na galit ‘yung mga kaibigan ko.”

At dahil hindi naman kinagat ni Ahron ang mansanas ni Kakai kaya pakiramdam ng dalaga ay hanggang magkaibigan na lang sila ng binata.

May pag-asa bang magustuhan ni Ahron si Kakai, ”to be honest, hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. As long as nakikita ko na may mabuting puso ‘yung tao eto kasi mahirap eh, baka ma-quote na naman.. ayan nagsalita na naman si Ahron, pa-fall na naman.

“Ako kasi naniniwala ako, na ‘yung love kasi, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung ganito ka, kung ‘yan ka, basta nakikita mo na ‘yung taong kaharap mo,kasama mo, eh mabuti sa ‘yo, marunong makisama, marunong makiharap, kumbaga ako, hindi ko masasabi..mahirap magsalita ng tapos, to be honest, hindi ko alam. 

“But right now, nag-i-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami, maayos kami. I do not know. We’ll never know kung ano ang susunod na mangyayari.”

Sa ngayon kasi ay trabaho muna ang focus ni Ahron dahil marami siyang bills na kailangang bayaran kaya lahat ng oportunidad na mayroon ay pinagbubuti niya.

Mapapanood na ang Harry & Patty sa Agosto 1 produced ng Cineko Productions distributed ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso na naging direktor ng Deadma Walking. Kasama rin sa pelikula sina Carmi Martin, Heaven Perelejo, Mark Neuman, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso, Soliman Cruz at may special participation si Arci Munoz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …