Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangungulit ni Joshua, kinaiinisan ni Julia; pagka-moody ng dalaga, love ng aktor

SHOWING na ang  I Love You, Hater  kaya naman kinakabahan ang JoshLia dahil maraming agam-agam sa parte ni Julia Barretto dahil ang mga tao ngayon kapag nanonood ay hindi lang basta panoorin ka kundi aalamin din kung paano mo nabigyan ng justice ang karakter mo sa pelikula.

Kuwento ng aktres, ”ilang days na lang at parang nag-skip ‘yung heart ko. Everytime na may lumalabas (kaming) pelikula may heart really beats so fast and I get so nervous and excited.  I don’t know how to feel parang all over the place ang pakiramdam ko.”

Sabi naman ng aktor, ”masaya po kasi pang-apat na namin itong pelikula ni Baba (tawagan nila ni Julia) pero mas masaya ako para kay direk Giselle kasi siyempre kasama namin si Ms Kris Aquino. Kaya masaya ako para sa ‘yo direk kasi may bago ka na namang pelikula. At siyempre sa atin (sabay lingon kay Julia),” saad ng batang aktor.

Nabanggit din ng JoshLia na tinatanong nila sa Star Cinema kung magkano kinikita ng pelikula nila sa araw-araw kaya ganito rin ang gagawin nila sa I Love You, Hater.

“Mino-monitor namin ‘yung kita kung magkano na. Tapos may ginagawa rin kami ni Julia, nanonood kami secretly kasi tinitingnan naming kung ano ang reaksiyon ng tao.

“Iba-iba kami nanonood, kasi may mall na pang-masa, may mall na pang mayaman so, tinitingnan namin ang reaksyon nila kasi lahat sila iba-iba, eh. ‘Pag sa mayaman, medyo corny sa kanila ‘yung jokes. Sa masa naman benta ‘to,” pagtatapat ni Joshua.

At dahil I Love You, Hater ang titulo ng pelikula ay tinanong ang dalawa kung ano ang hate at love nila sa isa’t isa.

Si Julia muna ang sumagot, ”si Josh kasi mahilig mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangungulit pero minsan kasi kapag wala kang tulog, pagod na pagod ka alam mo ‘yun? Pero in-embrace ko na ‘yun kasi hindi naman siya talaga makulit as a person sa akin lang talaga siya makulit. 

“Ako kasi kapag sinabi kong tama na (makulit), tama na. Hindi ako ‘yung tipo na secretly gusto ko pa. So ‘yun ‘yung medyo hindi naman hate, kundi tama na, wag mo na masyadong i-push.

“Pero hinahanap ko kasi kapag may eksena akong kukunan that day, walang nangungulit, boring pala, so nakaka-miss ‘yun ‘yung na-accept ko na, in-embrace at ni-love.”

Ang pagiging moody naman ni Julia ang ayaw ni Josh, ”pero love ko ‘yan!” sabi ng binata.

Pagsusumbong ni Julia, ”Kasi nga mahilig mangulit tapos kapag nagalit ako, magtatampo siya bakit ako nagalit, pero kasalanan naman niya, kaya roon talaga. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.”

Biglang kambyo ng aktres, ”ang maganda kasi kay Joshua kapag nagsabi ako ng mga tampo ko, sinasabi ko lahat, isa-isa at hindi ‘yan kumikibo at tahimik lang siya. So, ‘pag tahimik siya parang apu-frustrate ako, parang ako na lang, salita ng salita? After kong sabihin lahat, in fairness nakikinig pala siya at isa-isa niyang iso-sorry one by one, so it’s sorry na hindi bumigay (makipagbati), girl ako, eh. In fairness, he’s a good listener.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …