Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, tututok sa creative ng Popoy En Jack; Mike Tuviera, direktor

NILINAW ni Coco  Martin na hindi na siya  ang magdidirehe ng Popoy En Jack: Puliscredibles, ang pelikulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto na entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Nakalagay kasi ang tunay na pangalan ni Coco na Rodel Nacianceno bilang direktor ng Popoy En Jack: Puliscredibles kaya natanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam na siya ang magdidirehe kay Vic.

“Hindi muna ngayon, si direk Mike Tuviera na, kasi nagdidirehe rin ako ng ‘Probinsyano,’ mahihirapan ako pero ako pa rin ang creative,” mabilis na sabi ng aktor.

Ikinuwento ni Coco na noong nakipag-meeting siya kay bossing Vic ay sobrang saya niya dahil pumayag na magsama sila at mag-collaborate dahil pangarap niya talagang makatrabaho ang TV host/comedian noon pa.

“Masaya kasi talagang pangarap kong makatrababo si bossing, una natatakot ako baka hindi niya tanggapin ‘yung proyektong inalok ko sa kanya na mag-partner kami, and then finally pumayag siya tapos nag- meeting kami and then after that sabi ko sana makapasok kami sa Metro Manila Film Festival kasi concept ko ‘yung ibinigay namin.

“So ayun, nakapasok naman, masaya kasi nagko-collaborate kami, tulungan talaga kami para ayusin at mapaganda ‘yung pelikula,” kuwento ni Coco.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …