Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Problema sa pera nakakasira ng sex life

KAPAG nakakaranas ng stress, nalalagay sa fight-or-flight response an gating nervous system, para maglabas ng mga stress hormones tulad ng cortisol at epinephrine, ayon kay Lauren Dummit, co-founder at clinical director ng Triune Therapy Group sa Los Angeles at co-host ng KABC radio show na ‘Behind Closed Doors with Dr. Kate and Lauren’.

Ang mga hormone na ito, aniya, ay hindi nakakasama kung kakaunti lamang ang nararanasan. “However, when we experience chronic stress and the release of these toxic hormones is prolonged, our physical health is affected in many ways,” nilinaw ng KABC co-host.

Halimbawa rito ay nagpapahina ang cortisol sa ating mga sex hormone. Ito ay nasusundan ng unti-unting paglaho o panghihina ng ating libido.

Subalit ang mahalaghang tanong ay paano ng aba mapapanumbalik ang magandang sex life?

Mahalagang makahanap ng mga pamamaraan para maibsan ang inyong financial stress. Ang paglalagay sa inyong pera at kaisipan sa tamang aspeto ay maaaring humantong sa mas mainam na mga reward sa loob ng inyong silid-tulugan.

Narito ang payo ni Dr. Brian Doane, na may-ari ng Tampa Bay Counseling Services sa Florida: Magkaroon ng sapat na tulog.

Ang pagkakaroon ng sapat na pamama­hinga ay maaaring ipanlaban sa ating stress hormones. “Make time to get a little more sleep as it can help lower cortisol levels,” mungkahi ni Doane.

Maghanap ng healthy outlet.

Sa halip na kimkimin ang inyong emosyon o nararamdaman, fmaghanap ng healthy activity na makakatulong sa inyo para mailabas ang negatibong pakiramdam—‘ika nga, mailabas ang inis o galit. Inirerekomenda ni Doane na manatili sa loob ng inyong tahanan. “This could be hiking, gardening, swimming, etc. Anything to help you take a break from life’s stress,” aniya.

Mag-focus sa pangkalahatang kalusugan.

Mas mahirap harapin ang stress kapag ang katawan ay hindi nasa ‘best shape’ o magandang kalusugan. Subukang gumawa ng maliliit na pagbabago tulad ng pagkain ng mas mabuti at dagdagan ito ng ehersisyo sa regular na paraan. “Low to moderate exercise has also been shown to help reduce stress, regulate hormones and increase libido,” ani Doane.

Pag-usapan ang problema.

Mas madali ring pagandahin ang inyo pananalapi at mental health kapag kumonsulta at humingi ng tulong, lalo na kung mula sa isang propesyonal. “Perhaps most importantly, talk to someone about your financial problems,” paliwanag ni Doane.

“Whether it’s coming clean to your partner about the state of your bank account or meeting with a financial planner, confront the fear rather than avoiding it,” dagdag nito.

Dagdagan ang pakikipagtalik.

Maaaring counterintuitive ito, subalit isa sa pinakamainam na bagay na maaaring gawin para mapaganda ang nakakabagot ninyong sex life ay dagdagan pa ang pakikipagtalik. Maaaring wala ka sa mood sa simula, pero mas gaganda rin ang pakiramdam pagkatapos nito. Gaya nga ng naobserbahan ni Dummit, ito’y dahil sa ang sex mismo ay nakakapawi ng stress.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …