Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagang nagpa-xerox ng dibdib, naospital

MAG-INGAT kung makikipagpustahan dahil baka maranasan ang disgrasyang inabot ng babaeng ito sa Singapore.

Sa inisyal na ulat, isang 25-anyos na Singaporean lady ang na-injure ang dibdib ng scanner light rod mula sa photocopy machine matapos na matalo sa pustahan sa kanyang mga kaibigan.

Kung nagtataka kung bakit nangyari ito, ito’y dahil sa ang ‘bet’ pala na itinaya ng dalaga ay maglakad ng hubo’t hubad sa loob ng isang convenient store at ipa-photocopy ang kanyang boobs sa xerox machine.

Sa kanyang pagkatalo sa pustahan, walang kiyemeng naghubad ang biktima bago pumasok sa loob ng tindahan para pumunta sa photocopier na nasa sulok at saka sumampa rito para pindutin ang ‘start’ button at i-xerox ang kanyang dibdib.

Nang magsimulang mag-scan ang machine, biglang napasigaw sa sakit ang dalaga dahil nakaramdam ng hapdi nang dumaan ang berdeng ilaw sa bahagi ng kanyang dibdib. Dagli namang lumapit sa biktima ang staff ng convenient store para tulungan siya bago binuhusan ng malamig na tubig para maibsan ang nararamdamang sakit.

Dagli ding nagsipasok sa tindahan ang mga kaibigan ng biktima nang marinig na sumisigaw siya sa sobrang sakit.

Nagresulta ang insidente sa pagkasugat ng dibdib ng dalaga at pagkasunog ng kanyang balat. Isinugod siya sa pinakamalapit na ospital ng kanyang mga kaibigan at matapos lapatan ng lunas ay inaasahang mabilis na makaka-recover sa kanyang masamang karanasan.

Nagpaliwanag naman ang mga kaibigan ng dalaga na hindi nila akalaing mangyayari ang aksidente sabay pangakong hindi na sila makikipagpustahan sa mga bagay na kasing panganib ng naranasan ng kanilang kaibigan.

(Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …