Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, sa kare-kare inihambing si Julia sakaling ulam ang aktres

SAKTO ang pagkuha bilang brand ambassador kay Coco Martin ng Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce dahil marunong magluto ang aktor at aminadong ginagamit niya talaga ang produkto dahil malinamnam at mura pa, pang masa ang presyo.

Kaya naman sa launching ng 2nd TVC ng Sarsaya Oyster Sauce sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City ay talagang tinanong si Coco kung ano ang paborito niyang lutuin at kainin na kaagad niyang sinagot ng ‘kare-kare.’

Natanong din kung sakaling ulam siya ay ano, “adobo kasi habang tumatagal mas sumasarap.”

Bata palang ay marunong nang magluto si Coco dahil siya ang assistant ng lola niya kapag nagluluto kaya naman Hotel Restaurant and Management ang tinapos nitong kurso sa kolehiyo.

Hindi man nakapagpatayo pa ng restaurant niya ang aktor ay nagagawa naman niyang ipagluto ang pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Ilang beses na nga niyang ipinagluto ang kanyang lola sa Ang Probinsyano na si Ms Susan Roces at iba pang mga kasama niya.

Ang babaeng nauugnay sa kanya noon pa na si Julia Montes ay sa kare-kare niya inihambing kung sakaling ulam ang dalaga at ito rin ang ipinatikim niya noong una niyang ipagluto ang aktres.

Nabanggit din ang leading lady niyang si Yassi Pressman sa FPJ’s ang Probinsyano na kung anong ulam niya ito ihahambing, “beef steak kasi isa sa masarap kainin,” na ikinatawa ng marami dahil binigyang malisya.

Pero mukhang hindi naman si Yassi ang nagpapasaya kay Coco dahil wala naman siyang facial expression kapag nababanggit ang pangalan ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …