Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patricia, nakiusap: ninakaw na kwintas, handang bilhin

KASU­SULAT lang namin dito sa Hataw na naging biktima si Dingdong Avanzado ng basag kotse sa San Francisco, USA kamakailan na wala na talagang pinipiling lugar ngayon dahil uso pala talaga ito maski sa ibang bansa.

Nitong Linggo, Hulyo 1 ay biktima ng basag kotse ang aktres na si Patricia Javier sa may Antipolo City na roon niya ipinarada ang kanyang SUV o service utility vehicle at nagulat na lang siya nang tumunog ang alarm nito.

Base sa panayam kay Patricia ng ABS-CBN news, “may nakita akong dalawang lalaki na naka-motor, na akala ko sinilip lang ang sasakyan ko, ‘tapos biglang nag-alarm kasi sensitive ‘yung sasakyan.”

Sabi pa ng aktres ay lumabas siya para patayin ang alarm at laking gulat niya na basag ang salamin ng passenger seat at nadiskubreng nawala na ang Louis Vuitton bag na may lamang wallet, ATM, at credit cards.

Pinanghihinayangan ni Patricia ang kuwintas niyang may diamond na may nakalagay na PJ (Patricia Javier) dahil nabili niya iyon simula nang pasukin niya ang showbiz.

Ang pakiusap ng aktres, “Sana po kapag may nagbenta sa inyo ng PJ na may mga diamond po, kunin niyo po, itawag niyo na lang sa akin, at kukunin ko po sa inyo kung magkano man ho ‘yung ibinenta sa inyo.”

Naka-blotter na ito sa Antipolo Police Station at hinahagilap ang CCTV kung saan naganap ang pangyayari.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …