Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Swimsuit competition sa Miss Manila 2018, tuloy pa rin

SA press launch ng 32 Miss Manila 2018 ay nabanggit ni Chairperson at Pageant Director na si Ms. Jackie Ejercito na sobra siyang nagpapasalamat sa daddy niyang Manila Mayor Joseph Estrada dahil full support siya sa project niya dahil ang proceeds ay mapupunta sa MARE Foundation na itinatag ni Senator Loi Ejercito para tulungan ang mga kababaihan sa kanilang mga problema’t pangangailangan.

‘Yun nga lang, kakaunti na ang sponsors nila. ”Hindi ko alam, pero ‘yung sponsors, parang kaunti na lang,”kaswal na sabi nito.

Napansin naming hindi lang magaganda ang mga kandidata ng Miss Manila 2018 kundi matatalino pa dahil karamihan sa kanila ay tapos na sa kolehiyo, may mga trabaho na at kumukuha na ng 2ndcourse.

Napansin nga ni President Mayor Erap si candidate number 11 na kahawig ni Ms Laarni Enriquez noong kabataan nito dahil bukod tanging siya lang ang tinanong kung naranasan na nitong magmahal.

Kaagad namang sinagot ni candidate 11 na kakahiwalay lang nila ng boyfriend niya kaya hiyawan sa presscon na ginanap sa Manila City Hall nitong Miyerkoles.

At tumatawang hirit ni Mayor Erap, ”so, you’re available?” 

“Yes, I am,” sagot din naman ni candidate 11.

Samantala, laking gulat ni Ms Jackie na tinanggal na ang swimsuit competition sa Miss World at sa nakaraang coronation night ng Miss Makati ay wala rin.

“Wala na? Oh no!” gulat na sabi nito. Dugtong pa, ”Ang first nga rati ginawa kong one-piece, ngayon nga ginawa kong two-piece. Talaga? Bakit tinanggal, hindi ko alam! Ano gagawin ko? May sponsors na kasi, so hindi puwedeng wala.

“Ginawa ko pa namang two-piece kasi daddy ko sabi niya gawin kong two-piece, ha, ha, ha.  Oh no!

“I think there’s nothing wrong naman. During the Miss Universe naman lagi namang may swimsuit, feeling ko talaga there’s nothing wrong. Sobrang conservative naman. Bakit ba nila tinanggal? Hindi ko alam talaga kung bakit.”

Sa election 2019 ay kakandidato ulit ang kuya niyang si Senator Jinggoy Estrada at aminado ang nag-iisang anak na babae nina Mayor Joseph at Senator Loi na mahahati siya para sa ama at sa kuya during the campaign period.

Wala bang planong pasukin ni Ms Jackie ang politika.

“To me kasi I don’t have to run para makatulong, mas gusto ko sa background lang. But I know the highest form of charity is to be a politician pero si dad (Mayor Erap) lang ang puwedeng magsabi sa akin niyon kung gusto niya akong patakbuhin.

“Sobra akong obedient na anak kaya kung anong sabihin ng dad ko, roon ako. Pero kung ako lang, ayoko kasi malilit pa ‘yung mga anak ko, ha, ha,” pag-amin sa amin.

Anyway, ang 32 kandidata sa Miss Manila 2018 ay sina Esel Mae Pabilaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo.

Kandidata rin sina Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Colowo, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.

At ang mananalong Miss Manila 2018 ay tatanggap ng prize package na abot sa P1-M (P500,000 cash plus Viva Management contract worth P500,000). Ang first runner-up ay tatanggap ng P 350,000 cash, P250,000 sa second runner-up, P150,000 sa third runner-up, at P100,000 sa fourth runner-up.

Ang Miss Manila 2018 ay handog ng The City of Manila, MARE Foundation, at Viva Live.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …