Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Jolo Revilla
Jodi Sta Maria Jolo Revilla

Jodi, pipi sa hiwalayan nila ni Jolo

PURO tungkol sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso at anak na si Thirdy Lacson lang ang puwedeng itanong kayJodi Sta. Maria nang dalawin siya sa set ng serye nila nina Richard Yap at Robin Padilla sa Alpadi Estate, Anti­polo City.

Ang pakiusap sa amin ng taga-production ay wala munang intriga tungkol sa balitang hiwalay na sina Jodi at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Kaya isa sa napag-usapan ay tungkol sa pagpayat ni Jodi na hindi na bagay sa kanya at tila may sakit pa.

Bungat ng aktres, ”Just because a person is thin doesn’t mean that he or she is anorexic or it doesn’t mean na ‘pag mas medyo may weight siya, obese.”

May diet plan kasi si Jodi, ”I have done adjustments with my diet. Meaning kung ano iyong kinakain every day, it’s more on really fruits and veggies.”

Nabanggit din na nagbabawas siya ng sugar sa katawan pero walang dapat ipag-alala sa kanya dahil healthy siya sa edad niyang 36.

Ang dapat abangan sa Sana Dalawa Ang Puso ay ang journey naman nina Mona at Martin (Richard) kung magka­kalapit na sila at ang buhay may-asawa naman nina Lisa at Leo Tabayo yong.

Sa­bi ng aktres, ”how will she (Lisa) relate to the three sisters of Leo kasi may isang kapatid si Leo na medyo nabigla sa pagpapakasal nila, si Tinay (Miles Ocampo). ‘Yun ang journey ni Lisa.

“Isa pang dapat abangan din is ‘yung paghaharap nilang apat (Lisa/Leo at Mona/Martin). Kung ano ‘yung mangyayari, kasi now may rift pa rin sina Lisa and Martin,” kuwento ng aktres.

At dahil kaawaran ni Jodi noong nakaraang Sabado, Hunyo 16, tinanong siya ng birthday wish.

“For myself kasi if I ask for more from God parang maybe it’s too much already because he has blessed me with so many good things.

“Siguro right now of what I’m praying for grace na every single day na nabubuhay ako and actually ‘yung prayer ko is for my family and for the foundation na sinusuportahan ko. And to ask prayer from you guys na ipag-pray din sila na kung anuman ‘yung sickness na mayroon sila na that they will be healed eventually and for their parents and for their primary caregivers too to have strength also,” nakangiting sabi ng aktres.

Nitong nakaraang bakasyon ay maraming ipinost si Jodi na nasa ibang bansa sila ng anak niyang si Thirdy na nagsilbing travel buddy niya at sobrang na-enjoy ng aktres ang anak.

“Masarap siyempre kasi alam mo ‘yun we get to journey this life together, to experience so many things together. We get to experience different cultures and different countries together and as a mom, importante sa akin ‘yun na nagde-deposit ako sa memory bank ng anak ko na eventually ‘pag tumanda siya mayroon siyang babalikan na good memories naming mag-ina,” masayang kuwento ng aktres.

At ang mga nasa bucket list pa nilang mag-ina, ”napakarami pa kasi ang dami naming gustong puntahan pa. Actually, part ng bucket list namin makompleto namin ‘yung Wonders of the World. ‘Di ba may 7 Wonders of the world, 7 Wonders of Ancient World so ‘yun ‘yung mga gusto naming mapuntahan at ma-experience namin together.”

Hindi mahilig si Thirdy sa amusement parks o theme parks dahil mas type nitong puntahan ang mga museum at alamin ang mga history ng bawat bansa.

Tin-edyer na ang anak ni Jodi kaya handa na ba siya na isang araw ay may ipakilalang girlfriend?

“Sabi ko sa kanya bago siya mag-girlfriend dapat may trabaho na siya,” natawang sagot ng mama ng bagets.

Ano-ano ang challenges nina Jodi at Thirdy?

“Ang challenges namin ni Thirdy now is time because of my work load and siya (Thirdy) naman regular student and at the same time, he’s an athlete. After ng school may training sila sa basketball.

“Sometimes pag-uuwi siya pagod na o sometimes wala ako sa bahay, so ‘yung challenge is to make our schedules meet but as much as possible I really try to keep our communication lines open so that I know what is going on in his life and kahit na wala ako sa bahay, involved pa rin ako sa mga nangyayari sa kanya. But I’m very grateful to the Lord that he has blessed me with such a good kid not because I’m his mother but because that’s the truth na sobrang bait na talaga ni Thirdy,” proud na kuwento ni Jodi.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …