Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, one of the greatest actors in the Philippines

SAMANTALA, aliw na aliw kami sa mga reaksiyon ng Star Cinema executives sa mga kuwento ni Kris habang ginaganap ang Q and A ng I Love You, Hater na dinaluhan nina Direk Giselle Andres, Joshua, Julia , Mark Neumann, at Allora Sasam dahil kung ano-ano ang mga pinagsasasabi kaya naman panay ang hingi nito ng sorry.

Inamin naman niyang hindi siya na-brief bago sumalang sa presscon kaya marami siyang naikukuwento tulad ng tatlong oras lang pala ang tulog ng JoshLia habang isinu-shoot nila ang I Love You, Hater bagay na hindi pala puwedeng sabihin kaya panay ang sabing, “i-edit n’yo na lang please.”

Kaso sagot ng vloggers na kumokober ng presscon, “hindi po puwedeng i-edit, naka-live tayo at maging sa Star Cinema FB ay naka-live ang presscon.”

Napapakamot na lang ng ulo ang Star Cinema executives at wala naman silang magawa na dahil nasabi na.

Sabay puri ni Kris kay Joshua, “ang tagal ko na ‘di ba, ang dami ko ng nakatrabaho ko, pero si Joshua Garcia will be here (showbiz), 15-20 years from now, he will become one of the greatest actors in the Philippines ever,” palakpakan ang JoshLia supporters na nasa balcony section ng Dolphy Theater.

Dagdag pa, “but Julia has hunger and that is very important. Iba ‘yung gutom ka to prove yourself and she has that.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …