Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Herbert Bautista
Kris Aquino Herbert Bautista

Bagay na mami-miss ni HB, ipinanga­landakan

NAPANSIN ng lahat ng shimmering at blooming si Kris sa ginanap na ILYH presscon sa suot niyang black blazer ng Balmain, ang kumikinang-kinang na pantalon na gawa ni Roland Mouret, at ang kumikintab-kintab na sapatos ay nabili sa Net-A- Porter online.

Hindi pa nagkasya ang lahat dahil ipinahubad pa ang suot na blazer ni Kris na ginawa naman niya at sabay display ng balingkinitan niyang katawan at binanggit niya na produkto ng tiis gandang session ng Ultherapy.

”May pinatutunayan ako. Mayroon akong gusto makanood nito at magsisi. Hindi ako kumakain minsan, tinitiis talaga, dahil ang greatest motivation ng kahit sinong babae is to make those who made you feel that you are not good enough to regret their mistake.

“Kinailangan ko lang na maramdaman niya, at kailangan ko na marinig niya na sinasabi mo ‘yan ngayon (maganda at sexy). Kinailangan ko na ‘pag mapanood sa big screen, dahil alam ko naman kung ilan ang billboards na tataas, para every time madaan sa billboard, masasamid,” katwiran ni Kris na halatang si Bistek ang pinatutungkulan.

Dagdag pa, “Hashtag Mayor, this is what you’re missing.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …