Saturday , May 17 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Genius ba si Trump o sira ulo?

The difference between stupidity and genius is that genius has its limits. —Albert Einstein

PASAKALYE:
Nakikiramay po kami sa pamilya at mga mahal sa buhay ni dating national security adviser at dati ring kinatawan ng Parañaque sa Mababang Kapulungan na si Sec. Roilo Golez.
Isa pong magiting, matalino at tunay na patriotikong lingkod-bayan ang nawala po sa atin sa pagpanaw ng ating kaibigan at kaibigan ng lahat.
***
IPINASUSUSPENDE sa pamahalaan ni Magdalo party-list representative Gary Alejano ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa harap ng pagtaas ng revenue collection ng gobyerno para sa unang apat na buwan ng taong kasalukuyan.
Reaksiyon ito ni Alejano makaraang ihayag ng Department of Finance (DoF) na umabot ang tax revenue ng gobyerno sa P927.4 bilyon, na labis ng P58.2 bilyon sa target nitong P869.2 bilyon.
Una rito, nagsabi ang DoF na willing silang bawasan ang VAT rate, sa ilalim ng ilang kondisyon kaya naniniwala si Alejano na nagpasimple ito sa proseso kung sakaling magdesisyon ang administrasyong Duterte na sundin ang ganitong pamamalakad.
Katuwiran ni Alejano, hindi magiging problema ang pagbabawas ng VAT rate kung bukas naman ang DOF sa ideyang ito.
Sinabi ng mambabatas na prayoridad dapat ngayon ng administrasyong DUTERTE na ibsan ang pahirap na dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN sa mga Filipino, lalo sa mahihirap.
***
MARAMI ang bumabatikos at pumipintas kay US president Donald Trump dahil sa kanyang kakaibang estilo ng pamumuno at kakaiba ring pag-uugali, na kadalasan ay hindi nakakasundo ng karamihan, partikular ang mga Democrat at mga tagasuporta nitong mga Amerikano.
Dangan lang ay may kabibiliban ka kay Trump.
Kamakailan ay nakipagpulong ang pangulo ng Estados Unidos kay North Korean leader Kim Jong Un sa makasaysayang summit sa Singapore sa araw mismo ng kalayaan ng Filipinas, 12 Hunyo. Ito ang kauna-unahanag pagkakataon na magharap ang dalawang head-of-state na technically ay “at war with each other.”
Sa pagpupulong, masasabi nating nagawa ni Trump ang imposible. Hindi nagawa ng sinumang pangulo ng US ang makaharap at makausap ang North Koreans at ngayo’y nagawa ito ng isang Republican president na hanggang ngayon ay hindi matanggap ng mga Democrat kaya binabatikos na pangulo raw na sira ang ulo.
Kudos kay Pres. Trump…
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *