Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo at JC, bibida rin sa The General’s Daughter

NAGSIMULA na ang taping ng The General’s Daughter sa Bicol kahapon at balita namin ay isang linggong mananatili ang buong cast doon.

Base sa lumabas na pictorial sa ginanap na team building ng buong cast and crew ng The General’s Daughter noong Sabado sa Tagaytay ay nakunan ng litratong magkakasama sina Paulo Avelino, Arjo Atayde, at JC de Vera kasama si Angel Locsin na bida ng serye.

Ang tanong namin, may kasalukuyang umeereng teleserye sina JC (Since I Found You) at Paulo (Asintado), ibig bang sabihin ay papatayin na sila pareho? Unless kaya nilang mag-taping ng dalawang serye?

Kung tama ang balita namin ay sa Setyembre ang airing ng The General’s Daughter, mag-aabot kaya sila ng Since I Found You at Asintado?

Anyway, curious kami kung ano ang karakter nina JC at Paulo at kung sino sa kanila ang leading man ni Angel?

Si Arjo kasi ay ibinuking na ni Maricel Soriano na anak niya ang aktor na may autism kaya imposibleng siya ang maging leading man ni Angel, tama ba ateng Maricris?

Pagkatapos naman ng grand opening ng Skin & Beyond by Beautederm clinic ng mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde ay bumalik naman kinabukasan si Arjo na isa rin sa guest bilang endorser ng mga pabangong Alpha, Dawn, at Radix dahil may immersion siya para sa karakter niyang may autism.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …