HANGGANG ngayon pala ay may mga umaasa pa ring tatakbo si Kris Aquino sa 2019 sa Senado matapos ang nangyaring gusot nila ni ASEC Mocha Uson.
Nagbiro kasi ang Queen of Online World at Social Media na sa nangyayaring gulo ngayon sa gobyerno ay baka kailangan ang boses niya para pakinggan base rin ito sa resulta ng socmed niya.
Isa ang pinsan niyang si Senador Bam Aquino na mananalo si Kris kapag pinasok nito ang politika.
Okay kay Senator Bam na dalawang Aquino sa Senado, “At this point, anyone who is willing to stand up and speak out, have that voice is welcome. Anyone who is winnable and kaya manindigan is more than welcome.
“Si Kris, if she decides to run, I think she’d win. Honestly ha, kung itutuloy niya ‘tong paninindigan laban sa ginagawa ng mga administrasyon, I think she’d be very welcome in the Senate.”
Muling tatakbo ba si Senador Bam sa ikatlong termino?
“To be honest, pag-uusapan pa namin ‘yan. Siya naman ‘yung ate, ‘di ba? That’s a family decision obviously,” saad pa.
Ang kaso, hindi talaga puwedeng pasukin ni Kris ang public office dahil sa mga multi-billion contracts na pinirmahan niya.
Sagot ni Kris sa pinsan niya, ”@Bam Aquino, Thank you. But you do realize I’ll violate the contract I signed w/c your wife @timiaquino negotiated if I run for any elective post in 2019?”
At inisa-isa ni Kris ang mga brand partner niya, ” @chowkingph renewed me until 2020 for my haters, please patronize #Ariel from P&G, @pldthome, @livesmart, @iflix.ph, Nutri-Asia products, Monde Nissin, @ultherapyph, @everbilenaofficial, #UniPak, @healthyfamilyph, an Indonesian conglomerate I cannot name, the biggest Korean home appliance & entertainment company, a Thailand beauty company w/c I also cannot name, a residential properties industry leader, @unilab, a World leader airline not based in the Philippines, and the world’s biggest food company- all of whom I have commitments with that specifically state that I won’t seek any elective post in 2019 & I will refrain from any divisive political statements except when defending honor & dignity of family marami pang ibang contracts pero ma bo-bored na kayo reading the list & I’m afraid of violating non-disclosure agreements.
“To all those who continue to love & support me- please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness & credibility. Totoo naman po- MAY TAKOT AKO. Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa akin.”
Binasa namin ang mga komento ng followers ni Kris at halos lahat sila ay pabor.
Galing kay “@iamgene1985 Good morning Ms @krisaquino we are always here to support you even though you don’t want to enter politics…I’m always be your fan no matter what and thank you for being my inspiration to be humble. I admire you for being so #bravewoman for fighting for what is right.”
Mula kay @Imdrahcir, “Miss Kris bagay po kau sa senate..I’m sure hindi magiging boring ang senate lalo na pag may mga investigation.”
@ellamimura, “yes na yes ms Kris go for senator you’re very intelligent I know that go go go ms Kris love u god bless.”
At kay @dlauren2609, “@krisaquino joking aside, I know you’ll do it. I am betting this early if you run for public office you’ll win! So far, the last person I predicted to win was Trump. Where I work, outnumber ako nu’ng nagsasabing talo siya, Pati media and polling declared Hillary as the winner even before the election. I based my observation du’n sa campaign ng iyong Mom. Trump wherever he goes attracts tens of thousands of people (even now) while Hillary’s at times resorts sa hakot crowd (sounds familiar?) I knew from the start Trump would win and I never wavered! I feel the same towards you. I hope someday to see you debating the lightweights and the clowns in the senate.”
Abangan na lang ang taong 2020 pagkatapos ng mga kontrata ni Kris kung magbabago ang plano niya.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan