KUNG walang aberyang nangyari, nagkita sina Nay Cristy Fermin at Kris Aquino kahapon dahil pinuntahan ng Queen of Online World at Social Media ang dati niyang kasamahan sa The Buzz sa radio program nito sa TV5 na Cristy Ferminute.
Matagal nang gustong dalawin ni Kris si ‘Nay Cristy hindi lang nagsa-swak ang schedules ng una dahil laging may mga biglaang lakad at natiyempo na maluwag kahapon kaya natuloy din.
Tumayming din dahil may isyu sina Kris at Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO), Mocha Uson na tiyak na ito ang pag-uusapan nila ni ‘Nay Cristy sa radyo.
Bagama’t nag-FB live na si Kris nitong Miyerkoles dahil sinagot niya ang sinabi ni Mocha na, ‘this is not about Kris Aquino’ kundi tungkol sa balitang nilagyan ng malisya ang paghalik ni Presidente Rodrigo R. Duterte sa babaeng OFW sa Korea na itinumbas sa ginawang paghalik ng dalawang babae sa tatay nito bago bumaba ng eroplano at paslangin noong Agosto 21, 1983.
Aware si Mocha na humingi na ng sorry si Presidente Duterte sa pamamagitan ng assistant niyang si Bong Go dahil kailangang respetuhin ang patay pero si Mocha ay nanatiling matigas at hindi humingi ng dispensa sa anak nina ex-President Corazon C. Aquino at ex-Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
Paulit-ulit na ipinaliwanag ni Kris na anak siya nina Ninoy at Cory at nasasaktan siya sa paratang ni Mocha kaya niya dinipensahan bagay na hindi maintindihan ng huli.
At dahil wala namang kapupuntahan ang isyung ito ay tinapos na ni Kris, “I think I’ve done my share. I tried to reach out. I humbled myself. Alam mo ‘yung feeling na ikaw na ‘yung binato, pero ikaw pa ang nag-aabot ng kamay dahil gusto mong maayos ito.
“Mocha, I’ll end this, you’re right, this was not about Kris Aquino, this was a reminder that Filipinos still love and respect Cory and Ninoy Aquino.”
Samantala, palaisipan sa mga nakapanood ng FB live ni Kris kung pagkatapos ng mga pinirmahan niyang kontrata ay posibleng pasukin na niya ang politika.
May pahayag kasi siyang, “’Yung sinabi ko kagabi na may boses ako, na binigyan niyo ako ng boses, totoo naman iyon, eh. Nag-iisip ho talaga ako ngayon, sincere ito, paano ko ba magagamit ang boses na iyan? Dahil nakikinig kayo sa kin.
“Ang Facebook (live video) alone, I was told that had live, has had more than five million views. So maybe my voice matters.”
At dito nga nabanggit ng social media influencer na may mga kontrata siyang ipinagbabawal na pumasok sa politika.
“I have contracts, contracts that prevent me from running, contracts that I just signed.
“But maybe you need a voice. I’ll pray. I will pray about what is best for me to do.
“Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy niyo akong pakinggan. Kasi ‘pag naging parte na ako ng Senado, sasabihin niyo, naging kagaya lang ako nila.
“Eh, ngayon, pantay-pantay tayong lahat. Siguro iyon, eh. Doon ko tatapusin ito.
“Pantay-pantay tayong lahat. Lahat tayo naranasan na nating maapakan. Lahat tayo naranasan nating bastusin ang dignidad natin.
“Pero hindi ako pinalaki para sumuko. Kahit gaano kapagod. Pero hindi rin ako pinalaki para mambastos.”
Ikaw Ateng Maricris, ano sa palagay mo pagkatapos ng mga kontratang pinirmahan ni Kris, matuloy na kaya siya sa politika?
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan