Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

Jeepney terminal ginawang drug den, 2 timbog

ARESTADO ang dalawang lalaki makaraan isumbong ng guwardiya sa himpilan ng pulisya habang bumabatak ng hinihinalang shabu sa terminal ng jeep sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Jofrey Siroy, 52, at Francis Gallos, 26, kapwa residente sa Batangas St., Brgy. Pio del Pilar sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa guwardiyang si Niño Mirarza, kaugnay sa pot session sa loob ng isang nakaparadang jeep sa terminal sa panulukan ng Arnaiz Avenue at P. Tramo St., sa Brgy. Pio del Pilar, dakong 7:30 ng umaga.

Agad tumugon ang mga pulis sa nasabing sumbong at nagkasa ng pagsalakay sa lugar na naging sanhi ng agarang pagkakaaresto kina Siroy at Gallos.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …