Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isa sa miyembro ng Boyband PH, kinikilig kay Ria

NAALIW kami sa mga nabasa naming post at litrato sa social media nina Ria Atayde at isa sa miyembro ng Boyband PH na si Ford Valencia. Sila pala ang magka-loveteam ngayon?

Nagsimula ang loveteam nina Ria at Ford sa Wansapanataym Presents: Ohfishcially Yours na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN kasama sina Elisse Joson, Nico Antonio, Janice de Belen at ang ibang miyembro ng Boyband PH na sina Joao Constancia, Neil Murillo, Tristan Ramirez, at Russel Reyes.

Sakto naman na gising pa si Ria ng madaling araw ng Huwebes kaya tinanong namin kung sila ni Ford ang loveteam ngayon at kaagad naman kaming sinagot ng, “yes tita.”

Biniro namin kung nagpaparamdam sa kanya si Ford, “OMG, no tita, ha, ha, ha.”

Tinanong namin kung kanino siya nag-e-enjoy na kausap.

“Lahat naman sila enjoy ko kausap, of course si João kasi nagkakilala na kami before because of Arjo,” pahayag ng dalaga.

Pero si Ford ang madalas kasama ni Ria, “mas madalas ko po kasing kasama si Ford, maayos din naman and quiet lang din. Russell masaya, si Tristan Funny, si Niel parating nag-ge-games. Pero mahilig mang-asar na funny din. Lahat sila maayos Tita,” paglalarawan ng aktres sa Boyband PH.

At imposible ring magkagusto ang grupo sa kanya dahil, “Lahat younger than me ha ha.”

Hinuli ulit namin si Ria na sinabi naming, ‘am sure kinikilig si Ford sa ’yo?

“Ha ha ha, o siya goodnight na talaga, Tita!” paiwas na sagot sa amin.

Pero sabay bawi, “No naman. We’re all good friends. Night Tita.”

Hmm, sige abangan natin kung hanggang saan ang loveteam nina Ria at Ford sa Wansapanataym Presents: Ohfishcially Yours tuwing Linggo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …