KILALANIN natin si Lure Hsu, isang Taiwanese interior designer na talagang pinabilib ang internet at mga netizens sanhi ng kanyang age-defying skin.
Kakaiba talaga ang kutis ni Lure kaya ngayon ay siya ang latest sensation ng Instagram at marami ang namamangha sa kanyang kabataan kahit kabaligtaran ito sa tunay niyang edad. Kung pagmamasdan ang kanyang mga larawan, madaling mapaniwala ang sinoman na siya’y 18-anyos lang o kung hindi man ay nasa 20s pa lang.
Ngunit, talagang magugulat kayo dahil ang totoong edad niya’y 42 at ito ang dahilan kung bakit “she’s making waves” sa internet.
Nakagugulat, ‘di po ba?
May makinis na kutis na kumikinang at malinaw na kompleksiyon si Lure na sadyang kaiinggitan ng mga kababaihan, lalo na iyong mga kabataan at teenager.
Masutla at ‘spot-free’ ang kanyang balat at wala pang kulubot gaya ng aasahan sa isang 42-anyos na dalaga. Kaya nga marami ang nagtatanong kung ano nga kaya ang kanyang mga beauty secret at skincare regimen para mapanatili ang kanyang kagandahan at kabataan.
Kinekredito ni Lure ang kanyang youthful skin sa tinatawag niyang ‘hydrating’ at pag-iwas sa sikat o init ng araw.
“Everything is simply moisturizing well and not overexposing yourself to the sun,” aniya sa panayam ng isang beauty magazine.
At ang isa pang routine na sinusunod niya, ang paggamit ng sunscreen “generously.” Isa sa pangunahing dahilan ng pag-edad o pagtanda ay sun damage na nagbubunsod ng mga kulubot at dark spots sa ating balat o kutis.
“Sunned skin is drier and makes small spots and small fine lines easier to appear,” dagdag ni Lure.
Bukod dito, kahit ang kanyang diyeta ay may impluwensiya sa kanyang batambatang kutis.
Ayon sa website na Indy 100, umiinom si Lure ng black coffee at maraming tubig. Umiiwas siya sa malalangis (oily) at mamantikang pagkain at mga inuming naglalaman ng asukal. Kumakain din siya ng maraming prutas at gulay.
Simple lang, ‘di ba
ni Tracy Cabrera