Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, pinanindigan ang pagiging ma-AGA

SA ginanap na Nominees Night ng The Eddys nitong Linggo, Hunyo 3 sa 38 Valencia Events Place, hindi nakadalo ang ilan sa mga nominado dahil may kanya-kanya silang lakad at ‘yung iba ay nasa ibang bansa.

Alas singko ng hapon ang imbitasyon at sakto, dumating si Aga Muhlach kaya nagulat ang ibang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd dahil super aga nga itong dumating.

Nominado si Aga sa kategoryang Best Actor para sa pelikulang Seven Sundays.

Pagkatapos kunin ng aktor ang Certificate of Nomination at picture taking ay umalis na dahil maaga ang flight niya kahapon ng madaling araw patungong Vancouver, Canada para sa shooting nila ni Bea Alonzo na ididirehe ni Paul Soriano produced ng Viva Films.

Sabi nga mga taga-SPEEd, “iilan palang kaming nandito, dumating na si Aga, maski nga si Manay Ethel Ramos, hindi sila nag-abot. Nakatutuwa si Aga.”

Ang mga hindi nakapunta ay nagpadala ng representatives para tanggapin ang sertipiko ng nominasyon.

Nakita naming dumalo para sa Best Actor category din si Edgar Allan Guzman para sa Deadma Walking; Best Supporting Actor naman sina Dido de la Paz, Respeto; Arnold Reyes, Birdshot, at Sid Lucero para sa Smaller and Smaller Circles.

Sa Best Actress ay bukod tanging si Mary Joy Apostol ang dumalo para sa pelikulang Birdshot at wala namang dumalo sa Best Supporting Actress.

Sana lang lahat ng mga nominado sa TheEddys ay makadalo sa awards night sa Hulyo 9, The Theater @ Solaire na produced ng Wish at suportado ng Globe, FDCP, One Mega, at Inside Showbiz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …