HAPPY ang newest addition sa pamilya ng BNY na si Ryle Santiago sa relasyon ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Barbie Imperial kay Paul Salas.
Tsika ng binata ni Sherilyn Reyes sa ginanap na launching niya bilang BNY ambassador, “Matagal din po kaming nagsama. More than a year, pero matagal kami as friends.
“She’s ano, thoughtful naman siya, very caring, compatible naman kami.”
Kuwento ng binata kung bakit sila nag-break, “May mga bagay lang na hindi naman napagkasunduan.
“Hindi kami magkasundo sa maraming bagay, pero there’s nothing wrong with that, it’s fine.
“We tried to grow together, which we did, pero.
“Tingnan mo, her career is flourishing, maganda ang career ko, and we remain as friends. Okey naman kami,” giit ni Ryle.
MATABIL
ni John Fontanilla