LUMUSOT sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) committee level ang nominasyon nina Bernadette Fatima Romulo-Puyat bilang bagong kalihim ng Department of Tourism, Socorro Balinghasay Inting bilang Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Gayondin sina Nelson Collantes para sa posis-yon ng brigadier general (reserve), Emmanuel Mahipus para sa posis-yong colonel, Philippne Air Force (reserve), Carlito Galvez para sa ranggong General, Rolando Rodil sa ranggong brigadier Generel, at Joselito Maclan sa ranggong brigadier General.
Ang mga nabanggit ay inaasahang kokompirmahin sa plenary session ng CA ngayong araw para pagtibayin ang kanilang pag-upo sa puwesto.
Samantala, bigong makalusot sa committee level ng komisyon si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Raulo Castriciones dahil sa mga opositor at ilang pagdudada ng ilang miyembro ng komisyon.
Dahil dito, idinaan sa caucus o executive session ang nominasyon ni Castriciones na dinalohan ng mga miyembro ng komisyon.
Napag-alaman mula kay Senadora Grace Poe, matapos ang debate ng mga miyembro ng komisyon ay napagpas-yahan ng 13 miyemebro nito ang pag-aproba sa nominasyon ng kalihim.
Sinabi ni Poe, dalawang miyembro lamang ang hindi bumoto sa kalihim ngunit hindi niya mabatid kung sino dahil sa secret voting idinaan ang botohan.
Makokompirma rin ng komisyon ngayong araw ang nominasyon ng kalihim ng DAR.
(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)